Chapter 32

130 13 31
                                    

#LIB "First Love"

Nakita kong napaatras si Lance at saglit na nagulat. Kumawala ako sa yakap at kinuha ang mga gamit ko. Hiyang hiya na ako at nararamdaman ko na umiinit ang buo kong mukha. Walang salita salita ay umalis ako, matulin na tumakbo. 

"Ano ba ang ginagawa ko?! Shhhhttshshttt..." sabi ko habang tinampal tampal ang bibig. Tinakpan ko ng buhok ko ang mukha ko at sa gilid dumaan, palayo sa mga estudyante. 

"Hoy!" napaigtad ako ng biglang nasa harapan ko si Virgil. "Kanina ka pa namin hinahanap ni Naomi, ah! Saan ka kumain?" hinawi niya ang buhok sa mukha ko pero binalik ko rin. 

"Bakit ganiyan itsura mo? Sino tinataguan mo, ha? Crush mo ba?" mahina niyang binulong ang huling linya. 

Umiling ako at dinaanan siya. Pero humarang ang mokong at inangat ang mukha ko. Matagumpay niyang nahawi ang buong buhok na nasa harap ng mukha ko. Nilayo ko ang mukha ko pero hinigpitan niya ng hawak kaya napabalik ako ng tingin sa kaniya. 

"Ang pula mo!" puna niya at tinanggal na ang hawak. 

Inayos ko ang buhok ko at aalis na sana ng hinawakan niya ako sa kamay. "Ba't namumula ka, ha? Si Lanc-" tinakpan ko kaagad ang bibig niya. 

Kinagat niya ang palad ko na nakatakip sa bibig niya. "Aray!' sabi ko habang pinapahid ang laway niya nasa palad ko sa uniporme niya. 

"Siya nga!" nakangisi ang mokong na para bang may binabalak. 

Napaatras ako ng dahan dahan siyang lumapit. "Anong gagawin mo, ha? kapag ikaw may kabalastugan na gagawin-" hindi ko naituloy ang banta ng bigla siyang sumigaw ng, 

"Oh, Lance!" kumaway siya sa likuran ko kaya napalingon ako. 

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis iniwas ang tingin at tatakbo na sana ng biglang umakbay sa akin si Virgil. Tumawa ang mokong. Pinilit kong makaalis pero mas lalo niya lang binibigatan ang kamay niyang nakaakbay sa akin. 

Nang-gigil akong kinagat ang kamay niya pero tumawa lang siya ng mas malakas. "Virgil, bitiwan mo ako. Ano ba?!" I gritted my teeth. Kinurot ko siya sa tagiliran niya pero humalakhak lang ang mokong. 

"Umayos ka Lily, palapit na ang crushy dovey Lance mo." Mahina niyang sabi. 

Napamura ako. 

"Saan mo natutunan 'yan? Ang bad mo na Lily, ha. Sumbong kita kay Shanen." 

"May pa crushy dovey ka pang alam. Ang baduy!" sabi ko at kinalibutan pa ng kumindat siya sa akin. 

I rolled my eyes. Umayos ako ng tayo ng nasa harap na namin si Lance. Tumingin sa akin si Lance, malamig ang tingin. Saglit siyang napatingin sa kamay ni Virgil na naka akbay sa akin. Tapos ay tumingin kay Virgil ng walang emosyon, malamig at bored. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Kahit naman noon. 

"H-hi!" tinaas ko ang isang kamay bilang pag bati sa kaniya at naiilang na ngumiti. 

Tumango lang siya sa akin. 

"Laro tayo mamaya?" seryosong tanong ni Virgil. "Pagkatapos nalang ng klase. Sa amin nalang, pwede?"

Tumango si Lance. 

"Ayos!" masayang sabi ni Virgil. Pero natigil din ng dumaan si Lance sa gilid namin. 

Tinanggal ko ang kamay ni Virgil sa balikat ko. Sabay kaming nagakatitigan, naguguluhan. 

"Ang cold ng crushy dovey mo, liit!" ginulo niya ang buhok ko at patakbo na umalis. 

Pagalit akong hinabol siya pero nang nasa tabi na siya ni Lance ay humina ang takbo ko. Huminto ako at sa ibang direksyon nalang dumaan. 

Love in Bloom 1Where stories live. Discover now