Intro

6.4K 109 51
                                    

Attention

“Bigyan mo muna ako ng magandang dahilan para pumunta sa debut ng magaling kong pinsan,” I tilted my head to demand an acceptable answer.

Ang sabi nila sa akin, kahit hindi pa raw tayo pinapanganak, planado na raw ang magiging takbo ng buhay natin. Na kung maging miserable man ang tadhana sa atin, wala na tayong magagawa doon kasi iyon na ang nakatakda sa atin. Kumbaga sumasabay na lang tayo sa agos ng plano ng nasa itaas.

Sumimangot naman si Nathan at akmang aagawin pa ang ice cream na hawak ko pero tinampal ko ang kamay niya. I smirked as a sign of victory. Sinimot ko na ang vanilla ice cream sa fridge nila kaya sigurado akong inis na inis na siya sa akin.

He let out a loud sigh. “Ito na sana ang huli kong alas pero wala na akong choice.”

“Ano na naman iyan?” I urged him.

“Pupunta rin daw si Clark sa debut ni Krishn—”

I cut him off. Nanginginig kong nilapag ang ice cream na hindi ko pa naubos sa harapan niya.

“Nyeta bakit hindi mo na lang sinabi agad?!” reklamo ko. “Kung sinabi mo agad edi sana binilhan pa kita ng sangkatutak na ice cream!”

Nilantakan niya naman agad yung ice cream na nilapag ko sa harap niya. Kinuha ko yung isang upuan at hinila iyon para makaupo ako sa harap ng magaling kong pinsan.

“So bakit siya pupunta sa debut ni Krishna? Close ba sila? Feeling close talaga iyang kapatid mo parang tanga!”

“Ang dami mong reklamo, ano? Hindi ka na lang maging thankful na makikita mo yung crush mo sa debut ni Krishna?” pambibwisit pa niya.

I rolled my eyes. “Hindi ko naman talaga crush na crush si Clark. Kung maging crush niya ako, ayos lang sa akin. Kung hindi naman, ayos lang din.”

“E bakit kung makaasta ka kanina parang akala mo nanalo sa lotto amputa?”

“Wala lang,” humalakhak ako. “Ang exciting lang ng feeling na may sisilayan ka. Kapag kasi nagkagusto na sila sa akin ang corny na. Gusto ko ako lang may gusto.”

“You only like the thrill...” he concluded.

Chasing a man and making him like you back can be exciting at first, but the thrill wears off quickly, and then everything becomes boring and repetitive.

Planado ba kamo ang buhay? Then watch me break that endless curse! Boring naman ang buhay kung may itinerary na. Mas maganda yung spontaneous, yung natural, yung biglaan.

I nodded. “Yes... ang exciting, right?”

“Bobo kawawa yung tao sa’yo. Ilalayo nga kita kay Clark.”

“Wala pa nga akong ginagawa!” singhal ko sa kaniya. Totoo namang wala akong balak na kumilos. Gusto ko lang sumilay kay Clark. “Saka ka na kabahan kapag nagdm na ako sa kaniya sa IG!”

“Pa? Wala pa sa ngayon. E sa susunod?”

Ngumisi ako. “Chill ka lang muna, Nathan.”

Nathan shrugged and continued eating the ice cream. I couldn’t help but let my lips form a smile because I would finally be seeing him again. The last time I saw him was one month ago. Medyo matagal na rin iyon kaya dapat maganda ako sa debut!

Maganda naman na talaga ako. Kailangan ko lang na i-enhance pa para mapansin niya ako sa araw na iyon.

“Uuwi ka na agad, Darlene? Bakit hindi ka na lang muna magstay dito para sa hapunan?” Tita Precy asked me as soon as she saw me descending the staircase.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن