Chapter 39

2.6K 50 13
                                    

World

Warning: R-18

"Ang aga niyo naman nagising. Lalo ka na Simon dapat alas dyes pa gising mo."

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng asul na button down shirt at black slacks. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago ako nagsuot ng anti-radiation na salamin.

Sa salamin naman ay kitang-kita ko ang tulalang mukha ng mag-ama ko sa likuran ko. Parehas na bagong gising habang pinapanood ako.

"Hanggang anong oras ka?" tanong ni Simon.

"1 lang siguro. Dalawa lang naman klase ko for this day. Bakit?"

"Susunduin kita tapos ako na maghahatid sa'yo sa New Bilibid."

"Paano si Sol? Walang kasama ang anak natin. Kaya ko naman kasi pumunta doon nang mag-isa," kalmado kong sagot.

Umiling siya. "Nakausap ko na si Caleb. Siya na raw munang bahala kay Sol dahil namimiss siya ni Primo at Odette."

Nilingon ko si Sol at tumango siya sa akin. Binalik ko ang pansin ko kay Simon na mukhang pursigido talaga na samahan ako na bisitahin si Kuya Adam. Wala na siguro akong magagawa. Mas magaan naman talaga sa pakiramdam kapag kasama ko si Simon sa pagpunta doon.

"Sige, chat ka na lang kapag papunta ka na."

Kinuha ko naman ang bag ko bago ko hinalikan si Simon sa labi niya. Sunod naman ay hinalikan ko rin si Sol sa pisngi niya. Nagulat nga lang ako nang makita ko si Simon na may hawak na susi.

"Ihahatid ka namin," antok na sabi niya.

"Bakit pa? Kaya ko naman. Matulog pa kayo dahil ang aga pa. Tingnan mo parang babagsak pa iyang mata mo!"

Sol chuckled. "Sige na po please. Sama na po kami na maghatid sa'yo."

"Aba ang bata pinaandaran na ako ng Tagalog. Oh siya sige na ihatid niyo na ako," halakhak ko.

Napatalon pa si Sol dahil sa pagpayag ko. Almost 7 AM pa lang kasi at 8 ang klase ko. Suot pa ni Sol ang set niya ng pajamas habang si Simon naman ay nakasuot pa ng green na shirt at black na short. Halatang antok na antok pa dahil sa mata niya.

Si Sol ulit ang nasa gitna namin habang naglalakad kami patungo sa private elevator landing. Parehas na pwesto pa rin hanggang sa makababa kami at makarating sa parking area.

20 minutes lang nang makarating kami sa school. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang hawakan ni Simon ang braso ko.

"Ano iyon? May nakalimutan ba ako?"

Kumunot ang noo ko nang makita kong may inabot na box si Sol kay Simon. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Shit, don't tell me?

I mean... nagkabalikan naman na kami. Masaya na ako sa sitwasyon namin pero handa na ba ako? Handa na ba akong magpakasal sa kaniya?

"Simon... uh ano..."

He raised an eyebrow. Binuksan niya yung box at nakita kong may lamang chocolate iyon! Binalik niya rin kay Sol tapos kinain iyon ng anak namin.

Huh? Tangina?

Nagpapabukas lang pala ng chocolate ang anak ko?! Ano ba naman itong mga iniisip ko?! Agad na nag-init ang pisngi ko kahit hindi naman nila alam na naisip kong magpo-propose si Simon sa akin. Nakakahiya!

"Darlene, huwag mo kalimutan na susunduin kita mamaya." He swiftly kissed my lips. "I love you. Ingat ka. Magme-message na lang ako mamaya."

Ngumuso ako at tumango. Hindi ko pa rin magawang makapagsalita dahil sa kahihiyan na naisip ko. Alam ko namang masyado pang maaga para sa proposal. Naiintindihan ko naman kung gugustuhin niya na ganito muna kami. Matagal din naman kasi kaming nagkahiwalay.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon