Chapter 27

2.3K 57 53
                                    

Burn

Warning: R-18

Parang nawala yata ang pagkalasing ko sa sinabi niya. Ramdam ko pa rin na sinusundan kami ng mga tao pero hindi ko na maisip iyon. Ang nakatatak na lang sa utak ko ngayon ay ang lahat ng sinabi niya.

He is ready to lose everything for me. Pero ako? Parang hindi ko yata kayang makita iyon. Hindi ko makakaya na mawala ang lahat sa kaniya dahil lang sa akin.

But to know that he loves me that much is so comforting to hear. Hindi lang pala ako ang halos sasabog na ang puso sa pagmamahal. Siya rin pala at parehas lang kami.

“Let’s run away from here,” bulong ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa sinabi ko kaya mahina akong natawa.

“Put me down. Mas mapapabilis ang pag-alis natin dito kapag sabay tayong tatakbo,” pangungumbinsi ko pa. I kissed the side of his ear to tease him.

“Hindi mo ako iiwan?” tunog nagdududa iyon kaya natawa na naman ako.

I shook my head. “Hindi nga. Sabay nga tayong tatakbo. Ang kulit nito!”

“Promise me, Darlene.”

“Promise!” I sighed out loud.

Marahan niya naman akong binaba. As people started to gather around us, I smirked and grabbed Simon’s hand. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata niya pero kinindatan ko siya.

“I promised, right? Let’s run away from here,” I chuckled.

He looks so amused. A small smile played on his lips as he gave a slow nod. Sabay kaming nagkatinginan bago kami nagsimulang tumakbo papalayo sa kanilang lahat.

We both laughed while people were still following us. Running hand in hand, we didn’t seem to mind anyone. And as we completely outran them, it felt freeing—escaping from the issues, the chains of the media, everything.

Hinahabol ko ang hininga ko nang makarating kami sa parking area. Agad kaming pumasok sa kotse niya bago kami naabutan ng mga fans niya. Heavily tinted ang sasakyan kaya hindi na nila kami makikita dito sa loob.

“That was epic!” I laughed.

He looked at me. “Have you seen their faces? Para silang nakakita ng multo!”

Natahimik ako habang nakatingin sa kaniya. Ang lawak ng ngiti niya na para bang nakawala siya sa hawla. Parang may humaplos sa puso ko habang nakatitig lang ako sa kaniya.

Basang-basa siya ng pawis at ang iilang buhok ay dumidikit na sa pisngi niya pero parang hindi niya man lang ininda iyon. Ngumuso ako at kinuha ang panyo sa bag ko para punasan ang pawis niya.

“Mahal kita,” malambing kong sinabi habang pinupunasan ko ang pawis niya.

Sandaling nagtagpo ang tingin namin bago niya ibinalik ang mata niya sa kalsada.

“Please, don’t leave me.”

Umiling ako. “I won’t.”

“That’s all I needed to hear,” he smiled.

“Hindi ko na kailangang tumingin sa social media. Paniguradong pumutok na yung balita tungkol sa atin. Anong plano mo dito? How about your contract?”

“I don’t even want to think about that right now. Can we just go through the next few days without dealing with the media?” he pleaded. He looked at me with such gentleness, and I found myself nodding.

This is hard for him kaya pagbibigyan ko muna siya. Alam kong hindi magiging madali ang mga susunod na araw at linggo para sa amin kaya ipapaubaya ko muna ang mga kasunod na araw sa aming dalawa.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat