Chapter 28

2.1K 37 62
                                    

Lies

“Alis ka na d’yan. Kami na sa microscope. Ikaw na mag-take ng notes dahil kanina ka pa nakatulala d’yan,” sabi ni Autumn kaya naman natauhan ako sa ginagawa ko.

Napaatras naman ako nang makita kong kanina ko pa pala pabalik-balik na iniikot yung lens. Ramdam ko rin na nakatingin sa akin ang mga kaklase ko kaya kinuha ko na lang yung pen and paper.

“S-sorry, ako na bahala sa notes.”

“I know you’re dealing with something heavy, Darlene. Kami nang bahala dito,” ani Courtney sabay tapik sa balikat ko.

Sinubukan kong ibaling ang pansin ko sa lab activity namin pero parang ayaw makisama ng utak ko. Nanikip na naman ang dibdib ko dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Natapos ang activity namin na parang wala man lang pumasok sa utak ko. Wala rin ako sa sarili habang hinuhubad ko ang lab gown at gloves ko.

“U-uuwi na ako,” nagmamadali kong sinabi.

“Saglit lang! Hindi ka pwedeng lumabas nang mag-isa. Sasamahan ka namin,” presinta ni Autumn.

The past few weeks have been total chaos. I received a lot of hate remarks because of the issues circulating around social media. I’ve been called a relationship wrecker, a slut, and various other names that I’ve totally forgotten.

Creating an issue without real evidence is a piece of cake. They won’t ask for more since it’s exactly what they wanted to believe. Even if it’s just a groundless rumor, it becomes the truth in their eyes because the majority is trying to impose it.

Na kung gusto nilang ma-issue ako na malandi raw ako ay iyon ang paniniwalaan nila dahil iyon naman talaga ang gusto nilang paniwalaan sa una pa lang. Explaining myself will be useless, especially if they’ve already decided to make it the truth.

I weakly smiled. “Salamat sa inyo.”

“Parang iba ka naman sa amin, Darlene. Medyo tampo pa nga ako na hindi ka nagsabi sa amin ng tungkol sa inyo ni Simon pero gets ko rin naman ang sitwasyon mo,” sabi pa ni Courtney.

Hindi na lang ako nagsalita. Sumunod sila sa akin hanggang sa makarating kami sa labas ng classroom. Sinusundan pa rin ako ng tingin ng mga nadadaanan namin. Ang iba ay sinasadya pang iparinig sa akin ang mga binubulong nila.

“Siya ba talaga girlfriend ni Simon?” rinig kong bulong ng isa.

“Oo, siya iyon! Ang linaw ng video nila sa Spain. Sa public pa talaga nagawang mag-make out.”

“E ano naman kung sa public naghalikan?! Big deal ba iyon?!” pasaring ni Courtney.

Autumn chuckled. “Siguro walang may gusto makipag-laplapan sa kanila.”

“Hindi naman big deal ang halikan kung walang girlfriend yung hinahalikan. Mahiya kayo kay Ariel, hoy!” sabat ng isa.

Akmang susugod na si Courtney pero hinawakan ko ang braso niya.

“Hayaan mo na,” I weakly said.

“Anong hayaan?! Hindi pwedeng hayaan ang mga iyan! Sinasabihan ka nila ng gano’n kahit hindi naman nila alam ang totoo. Isa pa iyang si Ariel! Feeling girlfriend. Ang lakas magpa-victim sa social media,” sunod-sunod na reklamo ni Courtney.

I sighed. “I just want to go home.”

Malungkot naman akong nginitian ni Courtney. Nagpahabol pa siya ng pamamakyu sa dalawang babae kanina bago siya tuluyang naglakad palapit sa amin.

“Ayos ka lang ba, Darlene?”

“I’m fine. Salamat talaga sa inyo,” tipid kong sagot.

Nang makarating kami sa parking area ay hinarap ko sila. Saglit ko muna silang niyakap bago ako pumasok sa sasakyan ko.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now