Chapter 38

2.7K 59 18
                                    

Home

“Lift your arms, baby! Higher!”

Sumunod naman si Solstice sa sinabi ko. Parehas kaming tutok na tutok habang sinusundan namin ang steps sa malaking TV. 7:30 pa lang ng umaga pero pawis na pawis na kami.

“That’s it. You’re doing good. Now, shake your hips and jump!” sunod ko pang turo.

“Am I doing this right?” tanong pa ulit sa akin ni Solstice.

Sabay kaming humawak sa mga baywang namin sabay kembot. Ilang saglit lang ay parehas kaming nagtawanan habang ginagaya pa rin namin yung dance steps.

“You look cute, mommy!” Solstice giggled.

I chuckled. “You want more?”

“Let’s rest for awhile, please?” she pleaded.

Bigla namang sumulpot si Simon na bagong gising lang. Nakakunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng anak namin. Nakasuot lang siya ng white shirt at shorts. Medyo magulo pa ang buhok at parang wala pa sa sarili.

“Good morning, daddy!” Agad na lumapit si Sol kay Simon para yakapin. Binuhat niya rin ang anak tapos ngayon ay natatawa na rin.

Lumapit din ako sa kanila bago ko dinampian ng bimpo si Sol. Tumingin din si Simon sa akin at sa suot ko. I am just wearing my sports bra and leggings. Karaniwang suot ko kapag sumasayaw kaming dalawa ni Sol bilang exercise namin.

“You look tired, baby. What did you do?” tanong ni Simon sa kaniya. Dumako rin ang tingin niya sa akin na parang nang-aakusa.

“Just Dance!” agad na sagot ni Sol.

Kumunot ang noo ni Simon sa sagot ng anak namin kaya ako na ang sumagot.

“Uh... it’s a game actually pero ngayon ginagawa na lang namin siyang exercise ni Sol. Ginagaya namin yung dance steps na pini-play sa TV.”

“Do you want to join us, dad?” Ngumisi naman si Sol bago nagpa-cute kay Simon.

“I don’t dance...” problemadong sagot ni Simon.

Two days ago nang magdesisyon kami na lumipat dito sa penthouse ni Simon. Hindi naman kumontra si Lola Ana dahil mas gusto niya nga raw iyon. Para na rin daw sa privacy naming tatlo dahil isang pamilya na kami.

Ayaw ko pa nga sanang umalis kaso siya na mismo ang nagpalayas sa akin. Kulang na lang itaboy ako at itapon ang mga gamit ko. Ang lola ko talaga! Buti na lang at may kasama siyang mga nurse doon kaya gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano.

“Lola, can we stay here for the meantime? Pati na rin po si Simon,” pakiusap ko kay Lola Ana.

Huminto muna ako sa pagtulak ng wheelchair. Ilang saglit lang ay hinampas ni Lola Ana ang kamay ko. Nilingon niya ako at kitang-kita ko ang inis sa mukha niya.

“Ayaw ko. Lumayas ka na dito. Sama mo na anak mo pati iyang lalaki mo,” inis niyang baling sa akin.

“Eh? Dito na nga lang po muna kami para may kasama ka. Hindi naman po pwedeng ikaw lang dito!” giit ko.

“Aba at anong akala mo sa akin?! Matandang kawawa na may sakit?! Alis na dito Darlene bago pa mandilim paningin ko sa’yo.”

I sighed. “Then sama ka na lang po sa amin sa penthouse ni Simon. I’m sure it’s big enough to accommo—”

Napahinto naman ako nang makita kong sobrang sama na ng tingin niya sa akin.

“Darlene, ayos na ako dito. May mga nurse naman ako na kasama at saka kailangan niyo ng privacy kaya huwag mo na akong idamay d’yan.”

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now