Chapter 20

2.3K 53 27
                                    

Reality

Naging maayos naman kami ni Simon sa mga sumunod pang linggo. Medyo naninibago pa rin ako sa biglaang pagbabago ng ugali niya pero unti-unti ko na rin namang sinasanay ang sarili ko. I think he’s been holding back his true nature for too long, and I’m happy I get to see his soft side, even if only for a little while.

I smiled at my reflection in the mirror. Mahalaga sa akin ang araw na ito. May pasok ako ngayon pero hindi rin naman buong araw kaya may oras ako para sa plano ko mamayang gabi.

Hindi na rin matigil sa kakatunog ang phone ko magmula nang magising ko. Of course, birthday greetings na naman iyon galing sa mga kaibigan ko. I just turned 19 today—parang kailan lang.

Kinuha ko na ang handbag at ang ipad ko. May dalawa akong klase ngayong araw. Isang major at isang minor. Mabuti na nga lang din at magkasunod dahil baka mainis lang ako sa mahabang vacant.

“Ang kapal ng mukha mo, Francis! Hayop ka! Bakit mo ginawa sa akin ito?!”

Napahinto ako sa hagdanan nang makita ko ang mga magulang ko. I was expecting them to come and greet me, but this is what surprised me the most! Si Mommy na nanginginig sa pag-iyak habang sinusuntok si Daddy sa dibdib.

Yumuko si Daddy. “I’m really sorry, Matilda.”

“Sorry?! What are you apologizing for?! Is it for cheating, or are you just sorry because I caught you cheating?!” Mommy exclaimed with tears welling up in her eyes.

I covered my mouth in surprise. My hands are shaking and I’m still processing what I heard from Mommy. Nanikip ang dibdib ko habang nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Para akong namanhid bigla.

“Matilda, I know I made a mistake pero isang beses lang iyon. Hindi ko na inulit kasi nakonsensya ako dahil mahal kita!”

“Nakonsensya ka kasi mahal mo ako?” humagalpak ng tawa si Mommy. “Fuck you and your conscience. Kung mahal mo ako, hindi mo maiisip gawin iyon!”

Sinubukang hulihin ni Daddy ang siko ni Mommy pero nagpumiglas si Mommy. Nakahawak lang siya sa dibdib niya, halatang nahihirapang huminga dahil sa labis na pag-iyak.

“Alam ko. Alam kong may mali ako kaya nga gusto kong itama iyon. I am here to apologize...” pagsusumamo ni Daddy.

“And you think na maaayos na natin ito dahil lang sa nag-sorry ka?! Ano iyan band aid na kapag tinapal mo, okay na ang lahat? And let’s say natapalan nga pero may bakas pa rin. Francis, may peklat na iyon.”

Mas lalo akong napaluha nang makita ko si Mommy na nanghihinang napaupo. She looks so helpless, trying to catch her breath while crying. Her eyes are filled with pain, anger, and love as she gazes at my father. Habang ako naman ay parang inugat na sa kinatatayuan ko.

Why do people cheat? Hindi ko kasi talaga maintindihan. If you truly love your partner, you wouldn’t even dare to cheat. Kaya hindi ko maintindihan kung paano nila nasasabing mahal pa rin nila ang isang tao kahit niloko na nila.

“Matilda...” napaluha na rin si Daddy. “Mahal kita, Matilda. Mahal na mahal...”

Umiling si Mommy. “Kung mahal mo ako, bakit mo ginawa iyon? Francis naman! A-ang hirap. A-ang t-tagal na natin.”

“Matilda, hindi ko kayang mahiwalay sa inyo. A-ayusin natin ito. Parang awa mo na,” si Daddy na lumuhod sa harap ni Mommy.

“H-hindi ko alam. H-hindi kita kayang makita, Francis. A-ang sakit talaga. A-alam mo iyon? I did not expect this. Ang tanda na natin tapos ngayon mo pa naisipang nagloko?”

“Ang mga bata...” hirit pa ni Daddy.

Sumulyap sa akin si Mommy. Kaya naman sinundan iyon ni Daddy at ngayon parehas na silang nakatingin sa akin. Ako na inugat na sa pwesto ko habang tahimik na lumuluha.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now