Chapter 3

2.5K 59 38
                                    

Know

“Ang hirap niyo kausap anak ng panty naman. Sabing mamaya na kasi muna makipagdaldalan!”

I didn’t mind our group leader and continued scrolling through my social media account while she was distributing the task for our group assignment. Kahapon ko pa binabantayan ang comment section sa trending video nila Simon at habang tumatagal mas lalong dumadami ang engagement!

Hindi na rin naman nakapagtataka dahil bukod sa magaling silang banda, imposible rin na hindi mapansin ang visuals nilang apat. Siguro sa ngayon may mga music label nang nagme-message sa kanila.

Lumobo rin ang followers ni Simon kaya mas lalong natabunan ang pangalan ko sa followers niya. Hindi naman ako naiinis sa nangyayari. Natutuwa pa nga ako dahil nakukuha na nila ang recognition na deserve nila!

“Hoy Alcazar!” nag-angat naman ako ng tingin kay Rhea. “Kanina ka pa walang ambag. Ano ganda lang?”

“Ano ba pwedeng sagutan d’yan? Akin na ako na lang magsasagot,” I annoyingly said.

She glared at me. “Huwag na baka mali pa ilagay mo. Bayaran mo na lang itong materials tutal mayaman ka naman para na rin may ambag ka.”

“Okay,” pagsang-ayon ko.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata niya pero nagkibit na lang ako ng balikat. Akala niya yata mapipikon ako. Totoo naman talaga na mayaman ako at kaya ko namang bayaran. Isa pa, mas okay na rin dahil mapapadali ang buhay ko dahil magbabayad lang ako tapos may ambag na ako.

Tamad lang talaga ako mag-aral. Sapat na sa akin ang ayos lang at pasang-awa lang.

I’m also fine with people comparing me to my brothers because what they say is true. I’m not as academically inclined as they are; I tend to be a bit lazy when it comes to studying. I’m content with being average. Achieving a passing grade would make me happy, and as long as I make it through, that’s an accomplishment for me.

“S-sigurado ka? Ayos lang sa’yo na ikaw na ang sasagot nitong lahat?” tanong pa ulit ni Rhea sa akin.

I nodded slowly. “Magkano ba? Sabihin mo na sa akin para mabayaran ko na agad.”

“1,500 lang naman.”

Binaba ko muna ang phone ko. Namimilog ang mata nilang lahat habang nakatingin sa akin. Kinuha ko naman sa bulsa ko yung wallet ko at naglabas ako ng 1000 at 500 tulad ng sinabi ni Rhea.

Nanlalaki pa ang mata niya habang inaabot ko yung bayad.

“Ayos na ba?” I impatiently asked.

Ngumiti naman siya. “Ayos na ayos na ito!”

“Isusulat mo na ba pangalan ko sa 1/4 sheet of paper?” paninigurado ko pa.

“Nasa unahan ka pa nga oh!” she showed me the piece of paper. “Sigurado na ang grade mo Alcazar kaya kami nang bahala dito.”

Tumango na lang ako at binalik ang pansin sa video nila Simon. Sinilip ko ulit ang comment section para lang magbasa ng iba’t ibang mga comment. Nakakaaliw din kasi talaga magbasa lalo na dahil ang gaganda talaga ng feedback ng mga tao.

luffytaro: kanina pa nagtataka nanay ko bakit daw isang oras na paulit-ulit yung music

bunnyjungkook: and suddenly i became a dog. I CAN BARK SIR WITH A BEAUTIFUL LONG HAIR???

onehalfgojo: palibhasa 👺 kasi 🤭 you ❄ know 💋 how 😋 to 👊 get 👀 me 🧠 na 😾 e. 🤸‍♀️ one 🥴 song, 🎵 one ☝ smile, 😊 one 🙉 stare, 😤 wala ‼️ my 😻 world 🌎 starts 🤪 revolving 🔫 around 💝 you 🤭 again 😖

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon