Chapter 26

2.2K 51 83
                                    

Low

They say that true love doesn't require you to lose yourself. Being loved means maintaining your worth and value as well... but is it really possible to not lose yourself in the process? How far can you go low for someone you love?

Ang lalim... ang hirap makaahon... lunod na lunod na ako kaya ang hirap nang bumalik sa pampang. Pero kahit gano'n ay ayaw ko pa ring umahon dahil ginusto kong malunod.

Sabi ko noon ang OA ng mga tao na masyadong nagiging tanga dahil sa pag-ibig. Naaalala ko pa kung paano ko sabihin na lalaki lang iyon at pwede pa namang mapalitan. Hindi ko naman inasahan na dadating din pala ako sa punto na iyon.

Na kailangan kong mamili kung dignidad ko ba o ang pagmamahal ko.

"P-para saan? B-bakit ka h-humihingi ng pasensya?" matapang kong tanong sa kaniya.

His eyes are bloodshot. Ang mahaba niyang buhok ay kalat na kalat na rin sa mukha niya. Nanginginig ang mga kamay na para bang takot na takot siyang mawala ako sa kaniya.

"Ariel... awhile ago... she kissed me..." he confessed and I almost died.

"Putangina naman, Simon."

Ang mga traydor kong luha ay sunod-sunod na tumulo pababa sa pisngi ko. Hirap na hirap akong makahinga dahil sa narinig ko. I felt a ringing in my ears, and I couldn't even understand what he was saying after his confession.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw kong mawala siya sa akin pero hindi ko rin naman kayang tanggapin ang narinig ko!

"Ang usapan lang talaga namin tungkol sa music video ay hanggang noo lang pero nagulat ako sa ginawa niya. If I'd known she was gonna do that, I would've dodged it. Ayaw ko lang na malaman mo pa ito kapag inupload na ang music video namin," pagsusumamo pa niya.

Para akong nabingi. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya na para bang hindi na rin makahinga.

"Darlene..."

He continued kissing my hands. Ang mga mata niya ay nagsusumamo pa rin habang nakatingin sa akin. He looks regretful and sincere pero ang sakit kasi kahit pa aksidente lang iyon.

"Love, forgive me. I swear that kiss was nothing. I only want your kisses..." pagmamakaawa pa niya.

I closed my eyes to calm myself. Halik lang iyon. Halik lang naman. Kaya ko naman sigurong palagpasin?

Pero... ang sakit. Ni hindi ko nga mapadampi ang kamay ko sa ibang tao! Pero siya?

Hindi ko kayang mawala si Simon sa akin.

"S-she... she kissed you. Iyon ang s-sabi mo. It means s-siya ang h-humalik. Hindi ikaw diba?" nanghihina kong tanong.

"Ang usapan lang namin ay hanggang lapat lang ng noo. It was needed for the music video pero..."

I nodded. "N-naiintindihan ko. U-uulitin ko. S-siya lang ang humalik, right? Hindi ikaw. Hindi ka nag-respond."

"No."

Kahit nanginginig ako ay nagawa ko pa ring humalakhak. Mukha na siguro akong tanga na umiiyak habang natawa.

"A-ayos lang iyon! Siya lang naman pala ang may gusto ng halik. Para naman pala sa trabaho iyon kaya ayos lang!" I chuckled.

Sa totoo lang ang bigat bigat pa rin ng dibdib ko. Ang dami ko nang tiniis para sa relasyon na ito. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin ang lahat ng iyon.

"P-payag naman ako! B-basta sa trabaho lang. Alam mo naman iyon, Simon. Ayaw kong maging hadlang sa career mo."

Mas lalong nabasag ang puso ko nang haplusin niya ang kamay ko at marahan niya iyong dinampian ng halik. Kahit anong gawin niya ay parang hindi na matigil ang mata ko sa pagluha.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant