Chapter 34

2.5K 54 32
                                    

Video

Nahihirapan ako na hindi isipin ang lahat ng inamin sa akin ni Simon. Nanghihinayang ako sa taon na nawala sa amin kung hindi lang sana ako nagkamali sa isang gabi na iyon.

Siguro kahit papaano ay naayos namin ang issue na iyon. Siguro hindi lalaki si Solstice na malayo sa ama niya. Ang dami kong what ifs dahil lang sa lahat ng sinabi niya sa akin.

Hindi lang ako makapaniwala na hanggang ngayon ako pa rin pala. Mahal ko rin naman siya pero hindi naman gano’n kadali ang lahat. Madali na lang sana na balikan siya kung hindi lang kumplikado ang sitwasyon namin.

Dahil kahit alam kong mahal niya pa rin ako, hindi pa rin mabubura sa isip ko ang ginawa kong pagkakamali. Hindi ko siya kayang balikan nang hindi ko naiisip iyon. Nahihiya ako sa sarili ko.

Mas magiging madali siguro ang lahat kung may iba na siyang mahal ngayon. Mas lalo lang akong nagsisisi dahil maayos sana kami ngayon kung hindi ako uminom noong gabi na iyon. Ako ang sumira sa pamilya sana namin at habambuhay kong sisisihin ang sarili ko sa pagkakamali ko.

I cheated. I made a mistake. Baliktarin man ang mundo, humalik pa rin ako ng ibang lalaki kahit may boyfriend na ako. Sapat na iyon na dahilan para kamuhian ang sarili ko.

“Uy, double check mo nga papel ko par. Mahirap na baka mali mali check ni Ms. Alcazar. Cheater pa naman.”

“Tangina ka naman. Hinaan mo nga boses mo.”

Napalunok na lang ako sa narinig kong bulungan ng mga estudyante ko. Pinilit kong ngumiti kahit sa loob ko ay durog na durog na ako.

May karapatan ba ako na pagalitan sila kung totoo naman ang sinasabi nila?

“I made sure na maayos ang pagkaka-check ko sa mga papel niyo pero maa-appreciate ko rin kung may correction kayo sa akin at sa pagtuturo ko.”

Napatingin naman ako sa nagtaas ng kamay. Iyon yung estudyante na madalas kong marinig na magsabi ng masama tungkol sa akin.

“Yes?”

“May concern lang po ako. Ito po kasing number 26 hindi niyo naman po siya naituro sa amin. Baka pwede pong bonus na lang?” sabi niya pero may bahid iyon ng pang-aasar.

“This is college. I am not going to spoon-feed everything. Instead, I provided coverage for your exams, and the question in number 26 is included in the coverage. So, whose fault is it?” I asked him, raising my brow.

“Ang daya amputa. Utak cheater talaga,” komento niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

“Come again, Mr. Acosta?”

“N-nothing po. Salamat po.”

Hindi ko na pinalaki pa ang narinig ko. Agad na rin silang umalis pagkatapos kong ma-check ang mga papel nila. Prelims is finally done. Foundation week na ang kasunod na linggo kaya may pahinga ulit ako kahit papaano.

Nag-unat ako ng braso bago ko niligpit ang mga gamit ko. Nagtaka nga lang ako nang mapansin ko na naiwan yung isang estudyante na pansin kong tahimik.

“Yes, Ms. Peregrino? May concern ka pa?”

Inayos niya naman ang salamin niya bago siya lumapit sa table ko. May kinuha siya sa bag niya at nilapag niya iyon sa harap ko.

“S-salamat po sa pagtuturo sa amin. Hindi rin po kayo napagod sumagot sa questions ko kahit hating-gabi na po ako minsan mag-message sa teams kaya gusto ko lang po na magpasalamat.”

Napangiti naman ako nang makita ko yung chocolate sa table ko.

“I appreciate this, Ms. Peregrino. Thank you!”

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now