Chapter 1

3.7K 80 36
                                    

Help

Simon Griffin Benitez.

January 17 ang birthday niya kaya ibig sabihin Capricorn siya! He is 6 feet tall. Grade 12 ABM student at madalas din na tumutugtog sa mall, sa restobar, at sa mga birthday party. Marunong din sa halos lahat ng musical instrument at higit sa lahat, single siya!

Kanina pa nangangati ang kamay ko na pindutin ang follow button sa Instagram account niya pero parang hindi yata kakayanin ng hiya ko na mag-first move. Hindi naman naka-private iyon kaya madali ko ring makita kung may bago ba siyang post o story.

“Darlene, isang beses lang naman. Ngayon ka lang naman magfa-follow ng lalaki kaya sige na lunukin mo na ang pride mo,” I closed my eyes and clicked the follow button.

Agad kong naitapon ang phone ko sa kama bago ako tumili. Bumuntong hininga ako at tinitigan ang kawawang phone ko na dumausdos sa unan ko. Pakiramdam ko pagpapawisan ang kamay ko dahil sa sobrang kaba!

Hindi niya naman siguro iisipin na crush ko siya diba? Marami naman kaming nasa followers niya at saka pinsan ako ng kaklase niya kaya wala naman sigurong masamang makipagkaibigan.

Pinikit ko ang isang mata ko habang kinukuha ko ang phone ko sa kama. Nanliit ang mata ko at halos ipikit ko na iyon habang sinusubukan kong tingnan kung nag-follow back ba siya sa akin.

sgbenitez

19 posts      5,902 followers       33 following

musician. equinox.
equinoxmusic@gmail.com

Sumimangot ako nang makita kong nasa followers niya lang ako! Hindi man lang nag-follow back sa akin kaya padabog kong pinindot ang following niya. Ano bang requirement para mapasama sa following niya at parang ang kaunti naman no’n?!

Bandmates niya lang ang nasa following niya at ang natitirang following ay parang mga kapwa artist niya habang ang iba naman ay yung mga kilalang banda.

Walang babae sa following niya kaya kahit papaano napangiti ako.

“Ma’am, may pasok pa po kayo. Hinanda ko na po yung almusal niyo,” paalala sa akin ni Manang Ethel kaya binaba ko na lang ang phone ko.

“Susunod na po ako, Manang. Anong oras po pala umalis sila Mommy at Daddy?”

“Hindi po sila umuwi. Baka sa hospital na lang po sila nagpahinga,” sagot pa ni Manang.

Bumuntong hininga na lang ako at tahimik na naglakad pababa. Sobrang laki ng mansyon pero parang wala rin dahil sobrang tahimik naman. Nagiging maingay lang sa mga piling okasyon kaya mas gusto ko pa na umaalis ng bahay kaysa manatili dito.

At times, it’s fun to be the youngest in the family, but it’s equally painful to witness everyone’s growth while I remain here, alone, as they pursue their individual paths, leaving me with no right to intrude.

Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang suportahan sila kahit pa ibig sabihin no’n ay maiiwan akong mag-isa dito.

“Manang, baka gabihin po ako mamaya. Pupunta na lang po ulit ako kina Nathan,” paalam ko pa.

She nodded. “Sige po, Ma’am. Magsabi na lang po kayo kapag magpapasundo na po kayo para masabihan ko po ang driver.”

Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ako dahil may pasok pa ako. Mabuti na lang nga at maayos ang schedule sa school na pinapasukan ko. Hindi masyadong maaga pero hindi rin masyadong late.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa byahe. Napangiti naman ako habang pinapanood ko ang story ni Kuya Adam. Picture iyon ng dalawang anak niya, ang kasunod naman na video ay dinner date niya kasama ang asawa niya, habang ang huling story naman ay picture ng sarili niyang clinic.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon