Chapter 31

2.4K 56 23
                                    

Solstice

I feel so pathetic. Pakiramdam ko ako na lang ang naiwan sa nakaraan. Lahat ng tao sa paligid ko umuusad na habang ako nasa parehas na lugar pa rin. Hindi man lang makaahon at parang walang balak na umahon.

Mapakla akong napangiti. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ganito na lang ang kinahinatnan ko.

Edad ko lang yata ang nadadagdagan. Balat ko lang ang kumukulubot pero ang puso ko naiwan pa rin sa garden ng mansyon namin. Humugot ako nang malalim na hininga bago ko pinunasan ang luha ko.

Six years na ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang maihakbang ang mga paa ko.

“Nakarating ka na ba Darlene?” tanong ni Kuya Adam mula sa kabilang linya.

Nanatili ang tingin ko sa malaking poster na nasa harapan ko.

“Yes, dito na ako. Frankfurt na kanina pa.”

“Are you sure you’re going to be okay?”

Natawa naman ako. “Ano bang tingin mo sa akin? Mukha ba akong 17 years old? Ayos lang ako. I can manage.”

“Sol is still sleeping. Sasabihan ko na lang na babalik ka rin agad. Napuyat pa naman iyon para surpresahin ka.”

“Just tell her I love her,” nangingiti kong sagot.

I ended the call after a few reminders. Saglit muna akong kumain sa malapit na coffee shop para hindi ako gutumin.

This is what I love in European countries. Hindi yata ako magsasawa sa iba’t ibang bread and pastries na natitikman ko. Perks of traveling almost every month.

Binuksan ko ang camera ng phone ko para i-record ang sarili ko. This is what I do most of the time. I love recording everything. Miski maliit na bagay ay kinukuhaan ko pa ng litrato. Natatakot lang kasi ako na baka dumating ang araw na makalimutan ko na ang lahat ng ito at wala man lang akong matitingnan na alaala.

I posted a few snaps on my private Instagram account. Bilang lang din ang mga tao na pinayagan kong makaalam ng buhay ko. Ayaw ko lang na magkaroon pa sila ng access sa akin tulad ng nangyari noon.

Patapos na akong kumain nang mapansin ko ang isang lalaki na titig na titig sa tinapay na nasa harapan niya. Pasimple ko siyang sinulyapan bago niya kinagatan ang tinapay. Agad naman siyang napangiwi kaya natawa ako.

“Putangina anong pagkain ito?!” rinig kong reklamo niya.

Confirmed. Kababayan ko pala. Napailing na lang ako at niligpit ang pinagkainan ko.

Humanay na ako papasok sa isang indoor arena dito. Nilahad ko ang ticket ko bago nila ako pinapasok. Dumiretso ako sa pinakamalayong upuan at agad na naupo.

General Admission lang ang pinili kong tier kahit alam kong kaya kong i-afford ang VIP. Hindi ko lang talaga gustong ipaalam sa kaniya na pinanonood ko pa rin siya hanggang ngayon.

“Sold out pala hanggang dito. Lakas talaga ng Equinox!” rinig kong komento ng nasa tabi ko.

“Syempre sila na iyan. Asahan mong sold out talaga kahit saang bansa pa iyan,” sagot pa ng isa.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Proud na proud talaga ako sa kaniya. Sobrang layo na ng narating niya. Masasabi kong tama lang talaga ang ginawa kong desisyon noon.

Ilang minuto lang na dumilim na ang buong arena at napuno na iyon ng sigawan. Hudyat na magsisimula na ang concert nila.

“Equinox! Equinox! Equinox!”

Halos mabingi na ako sa sigawan ng fans habang unti-unti silang lumalabas galing sa backstage. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil iisang tao lang naman ang inaabangan ko.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now