Chapter 35

2.7K 56 57
                                    

Note: Please read The Lost Chapter first. : ))

Stolen

Trigger Warning: mentions of drugs

Hindi ako makahinga. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, ang panginginig ng kamay ko, at ang pagkirot ng puso ko. Bumuhos sa akin ang lahat ng alaala ko habang nasa Poland ako.

Si Ate Celine na hindi nagsawang ngumiti sa akin habang hinahandaan ako ng pagkain. Siya rin na nagpresinta na magbantay kay Sol kapag nasa trabaho ako. Si Kuya Adam na buong puso akong tinanggap sa tahanan nila.

Gusto ko silang unawain... dahil hindi ko kayang tanggapin na ang mga taong tumanggap sa akin ay ang mga taong tumulak din sa akin papunta sa impyerno. Kaso ang hirap... hirap tanggapin.

“Darlene, tubig muna.”

Inabot sa akin ni Euphony yung baso na may lamang tubig pero agad ko ring nabitawan dahil sa panginginig ng kamay ko.

“Mahal ka namin, Darlene.”

Mahigpit akong niyakap ni Euphony pero para akong naestatwa. Hindi ko man lang magawang maikilos ang mga kamay ko kahit gusto ko. Siguro dahil hindi pa rin kayang tanggapin ng sistema ko ang nakita ko.

“Should we continue this next time?” tanong ni Vance sa akin.

I inhaled sharply. “Proceed. Kaya ko ito.”

“It was hard for us to collect this CCTV footage. It had been altered, but luckily we obtained the original video.”

“S-sinadya ba nila ito? Dahil ba ayaw nila kay Simon kaya ginawa nila sa akin ito?” I asked him.

Mas lalong kumalabog ang puso ko nang makita kong umiling si Vance. Sumeryoso ang mukha niya habang may tinitipa siya sa burner laptop.

“Dr. Adam Alcazar developed the drug known as Bliss with the intention of creating a medicine that could bring happiness to people.”

“Is that even possible?!” bulalas ko.

Vance chuckled sarcastically. “Of course, not. But he believes that it was a success, so he started selling it on the black market. He was convinced that if many people could try this drug, he could demonstrate to everyone that creating a medicine capable of bringing happiness is indeed possible.”

“H-he’s sick...” komento ko.

“Before he got the drug working, he tried it out in a bunch of experiments. Yes, it involves people. So, in that way, he could really see how the drug works,” dagdag pang paliwanag ni Vance.

Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Maisip ko pa lang ang dami ng tao na ginamit niya para sa drug na iyon. Nag-init ang mata ko at para bang hindi ko kayang tanggapin iyon.

Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Kuya Adam. Strikto man siya pero alam kong mahalaga ako sa kaniya. Mahal niya ako at alam kong gagawin niya ang lahat para protektahan ako.

Most importantly, I know he loves his profession! Nakita ko ang passion niya simula pa noong bata ako kaya hindi ko maintindihan dahil hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kaniya o talaga bang kilala ko siya? Ang sakit naman tangina.

“Bliss is more dangerous than MDMA or Ecstasy. Taking it once can give you a feeling of euphoria that lasts only for 6 hours. But ultimately, it only leads to hallucinations—fake happiness. So, it wasn’t effective at all,” dugtong pa ni Vance.

“And there are multiple incidents associated with the intake of Bliss. Yes, it can bring happiness, but it is only short-lived. As this drug can cause alterations in perception and cognition, it can lead to hallucinations and distortions of reality.”

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now