Chapter 21

2K 55 20
                                    

Block

“Manang Ethel, may sasabihin po ba kayo?”

Agad naman na napatalon si Manang Ethel dahil sa biglaan kong pagtanong. Pinagtabi niya ang mga palad niya habang nakatingin sa akin. Nag-angat ako ng kilay bago sumimsim sa juice.

“Ah, kasi po... ano po kasi... may nakita po kasi ako...”

“And then? Ano naman po ang nakita niyo?” tanong ko pa.

Napalunok naman siya. “Last week po noong lumabas po kayo, sumunod po ako. Tapos ano po nakita ko po si...” Huminto naman si Manang Ethel para silipin ang paligid. “Sir Simon po!”

Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong juice kaya binitiwan ko muna yung baso. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang tissue bago ko nilingon ang kasambahay namin.

“Alam ko po na siya iyon. Kabisado ko po ang itsura niya dahil madalas kong nakikita ang picture niya sa kwarto ng apo ko,” dagdag pa ni Manang Ethel.

“May iba po ba kayong pinagsabihan?”

She immediately shook her head. Inangat pa ang dalawang kamay habang umiiling. Nakahinga naman ako nang maluwag.

“Ay, wala po! Alam ko naman po na ang mga artista na iyan may mga girlfriend iyan na pa-sikreto lang.”

I nearly coughed upon hearing that word. Secret. Alam ko naman ang sitwasyon na pinasok ko kaya wala rin akong karapatan na maging demanding. I know Simon is trying his best pero ayaw ko naman na mawala ang pinaghirapan niya dahil lang sa akin.

The least I can do to help him is to go along with this—a secret relationship.

“Can you do me a favor?”

She nodded. “Opo, ano po ba iyon?”

“Can you keep this a secret? Bukod sa ayaw ko pong kumalat ito. Hindi pa rin po kasi ako handa na ipakilala siya kina Mommy.”

“Masusunod po!” She smiled. “Safe po ang secret mo sa akin, Ma’am!”

“Thank you so much, Manang. I owe you a lot.”

“Nga pala, paano po pala kayo nagkakilala, Ma’am?” kinikilig na tanong ni Manang Ethel.

“Manang...” I warned her.

Napangiwi naman siya. “Pasensya na po!”

I think it’s time for me to move out of this house. I’ll check if there’s an empty unit in the condo where Simon stays. Mas magiging madali na rin sa amin magkita kung sakaling makaalis na ako dito sa mansyon.

Sigurado naman akong papayag ang mga magulang ko. At saka, wala rin naman iyong pinagkaiba sa araw-araw na nangyayari dito. Dito nga ay halos hindi na kami magkita. Kahit pa lumipat ako, parang gano’n lang din ang setup.

“Mahal ang mga unit doon!” bulalas ni Autumn after kong ikuwento sa kanila ang binabalak ko.

“So? Afford naman namin.”

“Anong meron? Bakit bigla mo naisip na bumukod sa parents mo?” tanong ni Courtney.

I shrugged. “Gusto ko lang maging independent woman.”

“I heard marami raw nakatirang artista doon,” komento naman ni Autumn.

“Ah, basta! Next week gusto ko nang lumipat doon.”

Sa mga sumunod na araw pa ay inasikaso ko na ang mga kailangan para makabili ng unit doon. Nagdesisyon din ako na ilihim muna ito kay Simon. I just want to see his reaction when he finds out that I live in the same building as him!

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now