Chapter 25

2.3K 51 43
                                    

Visit

“BS Biology Major in Systematics and Ecology,” I flatly answered to Lola’s question.

Lola shifted her weight. Ilang segundo pa ay bigla siyang pumalakpak habang nakatingin sa mga papeles niya. She and her dramas. Maling desisyon talaga na nag-confide ako sa kaniya last year.

“Sa’yo na lang kaya itong isang zoo sa Rizal, hija?” tanong niya sa akin na para bang namimigay lang siya ng candy.

Napangiwi ako. “Lola naman! You asked me kung anong major ko tapos ngayon kung makabigay ka sa akin ng zoo akala mo piso lang iyon!”

It’s been a year since I told this old woman everything about Simon and me. She loves dramas, and I kind of like her company. Prangka kasi siya at parang kaibigan ko lang kung kausapin kaya gumaan din ang loob ko sa kaniya.

And yes, dalawang taon na rin kami ni Simon. Nasa ikatlong taon na rin ako sa kolehiyo at isang taon na lang makakalayas na rin ako sa impyerno na ito.

Malapit na ring matapos ang kontrata. Ilang buwan na lang ang kailangan namin tiisin bago siya tuluyang makawala sa Celestial Records.

“Why not? Bagay naman ang inaaral mo sa field na ito. You and wildlife. Parang wala namang pinagkaiba,” she said before laughing heartily.

“It sounds like an insult. Ayoko po ng zoo. Give it to your other grandchildren. Papasok pa po ako ng med school.”

“Med school? Iyon ba talaga ang gusto mo? You should also learn to say no to your parents. Hindi lahat ng gusto nila makakabuti sa’yo,” she stated.

“If not med school then what? Hindi ko na po alam kung saan ang pupuntahan ko. My parents are my compass. Sila na lang ang direksyon ko.”

“Ang galing mo humawak ng relasyon niyo ni Simon pero sarili mong buhay hindi mo mahawakan? Hindi mo makontrol?”

Natahimik ako doon. Diniretso ko na lang ang tingin ko sa malawak na lawa ng Taal. Overlooking kasi iyon dito sa resthouse ni Lola.

“Masyado ka naman pong namemersonal. Ibang usapan naman ang sa amin ni Simon,” I said.

Lola sighed. “Now that the contract is ending, what are you planning to do?”

“Publicize it? I don’t know. Hindi ko rin sure kung gusto ko ng attention ng lahat pero ayaw ko na rin namang itago ito.”

“You can still keep it in private. You just don’t have to deny it this time,” sabi pa ni Lola.

I glanced at my phone. Naramdaman ko kasi na na nag-vibrate iyon at nakita kong may mensahe galing kay Simon.

Simon Griffin Benitez

Still in Cavite?

saglit na lang
uuwi rin ako

Okay
Hintayin na lang kita.

of course
i can’t miss this night
bukas na alis mo eh : ((

Just for two weeks.
I will always call you.

“Hinahanap ka na ng boyfriend mo?” tanong ni Lola matapos kong mag-reply.

I nodded. “May flight pa po kasi siya ng madaling araw. Shooting para sa music video nila kasama si Ariel.”

Napairap ako nang nabanggit ko ang pangalan na iyon. Ariel is apparently featured in this music video. Kasama rin kasi siya sa kumanta at siya pa ang leading lady ni Simon.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon