Chapter 17

2.2K 52 80
                                    

Subject

I can still remember what my younger self planned to do—make him fall in just two months and forget about him, similar to what I did with my long list of ex-crushes. I was that confident, but Simon humbled the hell out of me.

Hindi man lang pumasok sa isip ko na dadating ako sa punto na ito. Binaliktad ko na lahat ng prinsipyo ko para lang makuha siya pero saan pa rin ako dinala? Sa huli, wala pa rin akong napala.

Is this my karma for what I pulled in my younger years? Do I really deserve all of this?

Kumurap ako habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. I never had any insecurities about myself. I was that confident in my looks. But when I met Simon, I always feel like I’ll never win when it comes to him. That I’ll just always remain in the shadows, hiding, and was never meant to be seen.

“Maganda ka,” I looked at my reflection in the mirror and tried to put on a smile.

“Palagi kang maganda at walang mali sa’yo,” pag-uulit ko pa.

My smile disappeared when I remembered what went down that night—the first time I saw Simon get emotional.

“I’m a mess,” he answered.

Sandali akong natahimik habang nakatitig lang sa kaniya. Halata sa mata niya ang lungkot, galit, sa sobrang dami ng emosyon hindi ko na iyon mabasa.

Malinaw na sa akin kung ano lang ako sa kaniya. Palibhasa kasi alam niyang available ako palagi, na pwede niya lang paglaruan ang feelings ko kahit kailan niya gustuhin. Ayaw niya lang ako mawala kaya nililito niya ako.

I blinked once again. “Ang gago mo.”

“Nakakairita ka na rin alam mo ba iyon? Akala mo yata walang limit yung pasensya ko pagdating sa’yo! May hangganan din ako, Simon.”

“I’m sorry that you had to put up with all of this, Darlene. I swear it was not my intention. I really just want you to stay close to me,” binasa niya pa ang labi niya habang nakatingin din sa akin.

“You want me near because?” I urged him.

Kita ko kung paano siya napalunok sa tanong ko. Tangina naman! Mukha siyang nagpipigil. Alam kong may gusto siyang sabihin pero mas pinipili niyang manahimik.

“Because you want to play with my feelings? Na natutuwa ka na makitang tangang-tanga ako pagdating sa’yo?!” tinulak ko naman siya pero hindi man lang lumaban.

“Ano ba?! Bakit ba ayaw mo ako sagutin?! Ang hirap sa’yo, sobrang labo mo! Ang lala mo!”

Nag-iwas ako ng tingin. Hinampas ko ang dashboard sa sobrang inis ko. Natapon pa ang coke float na pinatong ko doon pero wala na akong pakialam!

Punong-puno na talaga ako sa lahat ng pinaranas niya sa akin. Alam ko naman ang lahat ng katangahan ko pero hindi naman ibig sabihin na kaya kong pagtiisan pa iyon sa mahabang panahon!

“Darlene... pasensya ka na...”

Iritado ko siyang nilingon. “Puro na lang pasensya tangina. Wala man lang dahilan? Pasensya na lang? Kasi alam mong pinapatawad agad kita?!”

Nag-angat ako ng kilay nang makita ko ang panginginig ng kamay niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko kung paano niya pinigilan iyon. Isinantabi ko na lang ang nakita ko at nag-iwas ulit ng tingin.

“Umuwi na tayo. Hindi na kita ibababa sa condo mo. Kapag nakarating na ulit tayo sa Manila, ikaw na ang bahala sa sarili mo,” nanghihina kong sinabi.

He nodded. “Ayos lang.”

Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Kinalma ko na lang ang sarili ko at hindi na nagsalita. Baka mas lalo pang lumala ang lalabas sa bibig ko kapag may sinabi pa ako.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon