Chapter 24

2.2K 53 67
                                    

Brave

“And this is the C Major. Put your ring finger here sa third fret ng fifth string.”

Marahang hinawakan ni Simon ang kamay ko para gabayan sa paghawak ng string ng gitara niya. Inangat niya iyon at ipinatong sa pwesto na tinutukoy niya kanina.

“And then your middle finger on the second fret of the fourth string.”

I pouted. “Ang hirap naman!”

“Do you still want to continue this or nah?”

“Oo na! Oo na! Ano next?”

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Bumaba ang tingin niya sa daliri ko na nilagay ko na naman sa kung saang string or fret!

“And then ang last naman. Put your index finger here sa first fret ng second string,” mahinahong paliwanag pa niya.

Kahit nahihirapan ay sinunod ko ang sinabi niya. Sinubukan ko naman na mag-strum up and down.

“Ayos lang ba yung tunog?” I asked him.

“Try to be softer. Mapuputol ang string kapag ganiyan ang ginawa mo and believe me hindi mo magugustuhan iyon.”

I made a face. “Bakit?”

“Masakit iyon. Masusugatan ka.”

And for the second time, sinubukan ko ulit na mag-strum. Mas mahinahon na iyon kaysa sa una kong attempt. Simon is right. Mas naging maganda nga ang tunog dahil sa pagiging magaan ng daliri ko.

“Use this pick para hindi ka magkaroon ng kalyo,” sabi niya. Inabot niya naman sa akin yung maliit na triangle. Sinubukan ko namang gamitin iyon at mas lalo ngang gumanda ang tunog!

“May ganito pala. Bakit ngayon mo lang binigay sa akin? Edi sana hindi namamanhid yung daliri ko ngayon!” reklamo ko.

He smirked. “Mas magandang matuto ka nang daliri lang, Darlene.”

I frowned. Ang pangit pakinggan ng sinabi niya!  Jusko ka Darlene! Ang dumi dumi talaga ng utak mo.

“Ano na next na chord?”

Isang taon na kami ni Simon.

Hindi ko rin inasahan na aabutin kami ng ganito katagal. May mga pagkakataon pa rin na nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero gumagawa naman kami ng paraan para bawiin iyon. Nasanay na lang din kami sa home dates.

Iba’t ibang ideas. Naubos na ang creative juice ko sa katawan para lang makaisip ng date ideas nang hindi namin kailangan lumabas ng condo. So far, parehas naman kaming naga-adjust sa sitwasyon kaya hindi na rin masama.

“G Major naman ang kasunod.”

I sighed. “Pagkatapos nito sasali na ako sa Equinox. Ano bang requirements para makasali sa inyo?”

I balled my fist. Itinutok ko ang kamao ko sa bibig niya na mistulang mikropono ko.

“Tss...” He chuckled. “No need for that.”

“Bakit? Automatic na bang kasali ako?”

He shook his head. “No?”

“Ang daya! Bakit bawal?”

“Because I said so,” he playfully answered.

“Pangarap ko magka-banda kahit wala akong talent,” humalakhak ako.

Estudyante ako sa umaga. Girlfriend niya naman sa gabi. Ito na rin ang naging cycle ng buhay ko at wala naman akong reklamo. Syempre pinili ko ito kaya wala akong karapatan magreklamo sa desisyon na ginusto ko rin naman.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن