Chapter 36

2.8K 54 53
                                    

Missed

It was exhausting to exist and be judged all the time. For my looks, personality, the career I chose, and the clothes I wore, even for the choice of words I always use when I was supposed to act more professionally and femininely. I was used to shaking off and ignoring their criticism, but it all accumulated over time, and now I have reached the point where I am tired.

Pagod na ako.

I want to put an end to the relentless struggle of working twice or thrice as hard just to earn the respect that should be inherently mine! Pagod na akong makipaglaban para lang tratuhin nila akong tao, kahit hindi na kadugo.

All I want is to be treated as a human, for I’ve almost forgotten how it feels to be seen as such.

Mula sa sarili kong pamilya na hindi ako tinuring na anak. Hanggang sa kapatid ko na nakita lang ako bilang bagay na gagamitin niya para sa pag-ahon. Idagdag pa sa trabaho ko na para akong sakit na pinandidirian ng lahat dahil lang sa nakaraan ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang na patayin ang sarili ko.

But I’ve been fighting all my demons, trying to keep my shit together so my daughter won’t sit by my grave asking herself what went wrong.

“Hindi ba natin pwedeng pag-usapan pa ito? Darlene, kapatid mo pa rin naman siya!” pakiusap ni Mommy sa akin.

Nanatili akong tahimik. Palubog na ang araw at nalaman kong parating na rin ang mga pulis dito para hulihin si Kuya Adam at Ate Celine.

“You want something to drink?” Kuya Caleb asked me. He gently rubbed my back and smiled weakly.

Marahan kong niyakap ang sarili ko at umiling. Ramdam ko pa rin ang matalim na titig sa akin ni Mommy dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya.

“Darlene, hindi mo ba ako naririnig?!”

I flinched. “Naririnig ko po kayo.”

“Maybe we can still talk about this. Adam is your brother, and I’m confident there’s a space in your heart to forgive him,” pagsusumamo pa niya.

“Naririnig niyo po ba ang sarili niyo?! Hindi basta basta ang ginawa sa akin ni Kuya! Sinira niya ang buhay ko. Tinanggalan niya ako ng karapatan na buuin ang pamilya ko tapos sasabihin niyo na may lugar pa sa puso ko para patawarin siya? Bakit? Nagkaroon ba ako ng lugar sa puso niya bago niya isipin ang ginawa niya sa akin?!”

I can’t believe her! Nakalahad na nga ang lahat ng ginawa sa akin ni Kuya pero pinagtatanggol niya pa rin?! Paano naman ako?! Anak niya rin naman ako! Ako ang kawawa dito!

“For fuck’s sake that was six years ago! We all make mistakes. You have to move on!”

“You have no right to tell me to forget it and move on!” I shouted angrily.

“You’re being dramatic. Ano bang ginawa ni Adam sa’yo sa nakalipas na anim na taon? Siya ang kumupkop at nag-alaga sa’yo. Mahal ka ng Kuya mo kaya patawarin mo na siya at mag-move forward ka na.”

Pumikit ako dahil ramdam ko na naman ang pamumuo ng luha ko. Bakit kailangan ko palagi na magparaya? Na umintindi? Na magbigay? Bakit lagi na lang ako?

“Maawa ka kay Adam at lalo na sa pamilya niya na sinira mo dahil lang sa kaartehan mo!”

Dumilat ako at matalim ko siyang tinitigan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko na agad kong pinadapo sa malapit na vase. Buong lakas ko iyong tinulak at nakita ko ang pagkalaglag nito.

Napatalon silang lahat dahil sa tunog na idinulot ng pagkalaglag ng vase. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibubunton ang galit na matagal ko nang inalagaan sa puso ko.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora