Chapter 37

2.8K 52 53
                                    

Duet

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin ni Simon habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Sigurado akong nakilala na nila ako. Mula pa lang sa paraan ng pagtitig nila sa akin alam ko na agad na hinuhusgahan na nila ako.

Sinubukan ni Simon na hawakan ang kamay ko pero bumitaw ako.

“A-ayos lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko.

Kumunot ang noo niya. Hindi ko naman mabasa ang emosyon niya dahil sa suot niyang aviators. Kita ko lang ang pag-igting ng panga niya habang naglalakad kami.

“S-sige na, Simon. Huwag ka munang lumingon sa akin. Sumusunod naman ako.”

Napayuko naman ako dahil sa flash ng mga camera sa paligid ko. Ilang saglit lang ay naramdaman kong hinapit ni Simon ang baywang ko palapit sa kaniya.

“Chin up, love. You have nothing to be ashamed of,” he whispered softly.

“A-ano ba, Simon? You don’t need to hold me like this. Ang daming mga tao!”

He raised his brow. “So?”

“Anong so ka d’yan?! Syempre issue na naman iyan! Nakalimutan mo bang household name ka dito sa bansa?!” naiinis kong bulong sa kaniya.

“Let them know that my heart has always been yours.”

Naramdaman ko agad ang pamumula ko at mas lalo pa yatang natuwa si Simon sa reaksyon ko. Narinig ko pa ang mahina niyang halakhak habang naglalakad kami.

Hindi ko alam kung anong nahithit nito ni Simon o talagang miss niya lang ako kaya ang dali lang sa kaniya magbitaw ng ganito. At sino ba ako para magreklamo kung gusto ko rin naman ang lahat ng sinasabi niya?!

“Ibang klase ka rin talaga, eh. Gustong gusto mo ito eh, ano?!”

He chuckled. “Ano naman?”

“Bilisan na natin maglakad. Naghihintay na yung anak natin,” bulong ko.

His lips curved into a smile upon hearing what I had said. Anak natin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mabubuo na ang pamilya namin. Na ngayon ay maibabalik na sa akin ang dapat na akin naman talaga.

The way things are going smoothly for us makes me scared... or perhaps I already have God’s mercy after what we went through, so that we don’t need to suffer anymore.

Sa wakas ay naawa na rin Siya sa akin.

“A-anong pasalubong ang pwede nating bilhin para sa anak natin?” marahang tanong ni Simon sa akin nang makapasok kami sa sasakyan niya.

I smiled. “Bili tayo ng donuts. Sigurado akong magugustuhan niya iyon.”

Binaba ko ang kamay ko para hawakan ang kamay niya. Nakita ko naman ang pagdako ng tingin niya sa kamay ko.

“Simon... huwag kang kabahan. Matagal ka nang hinihintay ni Sol.”

“Sa tingin mo matatanggap niya ako?” he weakly asked.

“Hindi pa kayo nagkikita pero tanggap ka na niya. Kaya halika na? Bili muna tayo ng donuts tapos diretso na tayo sa Cavite.”

Saglit pa kaming napadaan sa isang store para bumili ng paboritong donuts ni Sol. Alam kong maraming nakakita sa amin pero hindi na iyon ang oras para isipin ang sasabihin ng ibang tao.

Ramdam ko pa naman ang takot at kaba ni Simon kahit ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na tanggap siya ni Sol. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nabigla lang din siya sa lahat ng ito. I know it’s a lot to take in. Lalo na sa kaniya kaya hindi na muna ako dadagdag.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant