Chapter 2

2.7K 64 36
                                    

Pursue

If I wasn’t that crazy, what can you possibly call me when I tell you that I’m actually more turned on when he nags at me? I was surely scared for a brief moment, but then it made me like him more.

Ang sarap niya naman amuhin, tipong sa akin lang bibigay, sa akin lang magiging maamo.

Simon is one hell of a guy. Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan lalo na ngayong sinusungitan niya ako. Euphony will surely say kung gaano na ako kahibang but heck I won’t let her know. I’ll remain silent for now and keep my thoughts to myself.

“Any plans?” Nathan asked me from the other line.

I smirked. “Never back down, never what?” I asked myself. “Never give up of course.”

“Punyeta nababaliw ka na talaga, ano? Kita mo na ngang kung anong nangyari sa inyo last time pero ayaw mo pa rin tumigil,” komento pa ni Nathan pero hindi ako nagpatinag.

“Mas lalong challenging, Nathan. Alam mo na bet ko pa naman mga gano’n, yung sinusungitan ako, tapos sa akin lang magiging soft,” hindi ko na napigilan ang sarili ko na humagikhik.

“You should really be admitted to a mental hospital. I wonder why Kuya Adam doesn’t seem to notice that his sister is mentally ill.”

“Tangina ka talaga,” bulalas ko. “Babalik ako d’yan sa Monday, ha? D’yan na lang ako gagawa ng mga schoolwork ko.”

Sinipat ko naman ang sarili ko sa salamin. It’s already weekend and I’ve decided to take a break from going to Nathan’s house for a little while. Hindi na rin muna ako bumalik pagkatapos ng nangyari sa amin ni Simon. Sa Monday na lang ako babalik ulit para ituloy ang dapat kong gawin.

For now, kuntento na muna ako na bisitahin ang social media accounts niya.

“You look so lively, anak. May nangyari ba?” napangiti naman ako nang nakita ko si Daddy at Mommy na naghihintay sa akin.

I shook my head. “Wala po ba kayong duty ngayon?”

“Ayaw mo bang nandito kami, anak?” Mommy’s eyes narrowed. “Off namin ng Daddy mo ngayon kaya kami nandito.”

My lips curved into a smile, and I quickly took my seat to join them for a meal. I was genuinely surprised to see them here, but hey this is what I wanted, isn’t it? Kuya Caleb is on his way, and my parents are here!

“Of course gusto ko po na nandito kayo,” nangingiti kong sagot. “Nagulat lang po talaga ako na saktong off niyo rin sa araw na wala rin po akong pasok.”

Daddy laughed. “Pauwi na raw si Caleb. May usapan ba kayo, anak?”

“Yes!” I excitedly answered. “I was thinking of eating ramen with him in Molito.”

“Alabang? Medyo malayo iyan anak.”

I sighed. “Fine, any mall will do.”

“You’re one step closer to college, anak. Anong balak mong pre-med?” tanong naman ni Mommy sa akin.

Natutop ko ang bibig ko pagkatapos kong marinig ang tanong niya. After the career guidance session, mas lalo akong nagduda sa sarili ko kung gusto ko ba talaga itong tinatahak ko. Hindi ba ako magsisisi na pinili ko ang field na ito?

Magiging masaya ba ako kung sakaling sundin ko nga ang gusto nila Mommy?

I swallowed hard. “Mommy... what if may iba pala akong gusto? Like hindi ko po talaga bet na maging doctor?”

“What do you mean by that?” sumeryoso ang mukha ni Mommy. “Diba sinabi mo na sa akin na gusto mo rin maging doctor?”

Because that’s what you want for me.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now