Chapter 7

2.1K 58 27
                                    

Chance

“Extend your arms!”

Tamad na tamad kong inangat ang mga braso ko para sundin ang sinasabi ng dance instructor namin. I paid 600 pesos for this session pero parang wala yata akong natututunan dahil ayaw makipag-cooperate ng utak at katawan ko.

“Use your space. Malawak ang studio pero bakit nagsisiksikan kayo sa isang sulok?!”

Bumuntong hininga na lang ako at mas lalo kong nilawakan ang galaw ko. Dalawang oras lang naman ang hip-hop session na ito. Nangako na rin kasi ako kay Wendy at kung nasa tamang huwisyo lang ako alam kong mage-enjoy din naman ako sa dance class na ito.

Wala lang talaga akong gana dahil isang buwan ko nang hindi nakikita si Simon. After the annual trade fair, wala na ring ganap sa bahay nila Nathan. Ilang beses pa nga akong nagtanong kung may groupings pa ulit sila.

“Hey, kanina ka pa matamlay. Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Wendy.

“Ayos lang,” I nodded. “Anong oras ba matatapos ito?”

“I thought you’re excited. Hindi pa nga umaabot ng isang oras pero parang uwing-uwi ka na. Ayaw mo na ba umattend?”

Sumulyap naman ako sa dance instructor namin at sinubukan kong gayahin ang dance step. Tangina magaling ako dito, but for some reason hindi ko lang mahanap ang gana ko para gawin ito.

I can do better than this. Kulang na kulang ang energy ko. Mapapansin din iyon lalo na dahil kita ko naman ang sarili ko sa malaking salamin habang sumasayaw ako.

“Masama lang pakiramdam ko ngayon,” I reasoned out since I don’t want to make her feel that I don’t like this.

“Hala bakit hindi mo naman sinabi? You need to rest muna. May next week pa naman,” she pressed the back of her hand on my forehead.

“Mainit ka nga,” dagdag pa niya.

I shook my head. “Ayos lang ako. Tara na ituloy na lang natin ito.”

The dance instructor played the song again, and I gathered every ounce of my energy to follow the dance steps. Habang tumatagal parang bumabalik na ulit sa dati ang katawan ko. I think nakatulong din ang pagsayaw ko dahil masyadong groovy ang sayaw namin ngayon.

Pinunasan ko ang tumatagaktak kong pawis nang matapos kami. Today, we recorded our full dance cover of Redfoo’s “New Thang,” which they will use to attract more students for their dance classes. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit kami inimbitahan dito.

“Ang galing galing niyo!” komento ni Ms. Cherry, ang dance instructor namin.

She is a member of East Revolution, one of the country’s most popular dance crews. Ito rin ang isang dahilan kung bakit sumama ako dito. I admire their crew so much kaya nanghihinayang ako sa mga session na sinayang ko dahil lang sa pagmamaktol ko kay Simon.

“Thank you po Ms. Cherry. Sa susunod na linggo po ulit!” ani Wendy habang binubuksan ang aqua flask niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tuluyang nagpaalam sa amin dahil may next class pa raw siya.

“Uuwi na ba kayo?” tanong ni Wendy sa amin. “Kain muna tayo kung wala naman kayong gagawin.”

“Sure, sama ako!” pagsang-ayon pa ni Froilan na kasama ko rin sa dance troupe.

“Darlene, ikaw? Sasama ka ba?” tanong naman sa akin ni Ryker, ang madalas kong partner sa tuwing sumasayaw kami.

I nodded. “Sige, sasama na rin ako.”

“Ay, bakit mo pa niyaya Ryker? Masama raw pakiramdam ni Darlene kaya kailangan na niya magpahinga,” sikmat ni Wendy kay Ryker.

“Hala okay na ako,” I smiled shyly.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now