Chapter 8

2.2K 68 33
                                    

Back

Seeing Simon was indeed a breath of fresh air. Mas naging productive ako sa nakalipas na linggo dahil lang nakita ko siya. I think mas effective pa nga siya kaysa sa mga vitamins na iniinom ko. Ibulsa ko na lang kaya si Simon para hindi na ako tamarin?

Kinuha ko na lang ang duffel bag na dinadala ko tuwing may dance class ako. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Ang bilis lang talaga ng araw dahil sabado na naman ngayon. May dance class na naman kami at may malaking chance din na makita ko ulit si Simon ngayon!

Inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko habang bumababa ako sa hagdan. Nang makarating ako sa baba, dumiretso ako sa library para magpaalam kay Mommy at Daddy. May dalawang araw kasi silang day off tapos mamaya naman night shift ulit sila kaya andito sila ngayon.

“If that’s the case then maybe we can send Adam to Poland. What do you think?” hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang marinig ko ang sinabi ni Mommy.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng library kaya nanatili muna ako sa kinatatayuan ko para pakinggan ang usapan nila ni Daddy. Lumapit pa ako ng kaunti sa pinto para tingnan kung ano ba yung binabasa nila ni Daddy.

May iPad naman sa harap nila at iilang mga libro na siguradong binabasa nila kanina pa. Nakaupo si Mommy habang hinihilot ang sentido niya. Si Daddy naman ang pumipindot sa iPad para mabasa nilang dalawa.

“Matilda, may pamilya na si Adam. Hindi papayag ang anak natin,” sagot naman ni Daddy.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Ipapadala ba nila si Kuya sa Poland? For what reason?

“I don’t trust Caleb for this one. Mas matagal na ang experience ni Adam. He’s the best candidate for this research. Five years lang naman, Francis. Bata pa ang mga anak ni Adam kaya pwede pa silang mag-adjust,” iyon naman ang punto ni Mommy na hindi ko pa rin maintindihan.

Daddy smiled weakly. “Let’s give Caleb a chance. Magtiwala ka naman sa anak mo.”

“Bahala na,” umiling si Mommy. “Matagal pa naman iyan. Kumain na lang muna tayo.”

I straightened my back when she spotted me. I noticed her pale expression, and she kept glancing at Daddy, as if they were communicating with their eyes.

“I came here to see you before I go out,” tinuro ko naman ang pinto at alanganin akong ngumiti.

“Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ni Daddy.

I shook my head. “Kabababa ko lang po. Aalis po pala ako.”

“Where are you going?” Mommy asked me.

“Sa dance class lang po.”

“Dance class?” nahimigan ko ang pandidiri sa tanong ni Mommy.

“Sabado lang naman po yung dance class,” I reasoned out.

Naningkit ang mata ni Mommy. “Instead of preparing for med school, you’re wasting your time attending a cheap session. Dancing won’t get you anywhere!”

Yumuko naman ako dahil ramdam kong nagtutubig na ang mata ko. Bukod sa narealize ko na ayaw ko palang maging doctor, alam ko rin sa sarili ko na may puwang pa rin talaga ang pagsasayaw. Hindi naman sa gusto ko gawing profession, masaya lang talaga ako sa ginagawa ko.

“Last year puro ka drawing. Ngayon naman puro ka sayaw. Kailan mo ba seseryosohin ang tinatahak mo, Darlene? Hindi ko makitang nage-effort ka! I want you to enroll to special science classes! Quit dancing,” her voice thundered like a lion fuming with rage.

“Matilda, that’s enough. Bata pa naman si Darlene at saka past time lang naman niya yata iyan. Hayaan mo na,” sinubukan naman akong ngitian ni Daddy.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now