Chapter 5

2.4K 66 64
                                    

Request

It was so stupid of me to think that there would be some big changes between Simon and me. Lumipas lang naman ang ilang mga araw at parang bumalik lang kami sa umpisa. May mga pagkakataon pa nga na sinusubukan ko siyang kausapin, but he would only give me short responses or, even worse, no answer at all.

Sa totoo lang, mas gusto ko nga iyon! Mas gusto ko na nahihirapan ako. Mas gusto ko yung hindi ako pinapansin. Mas may thrill at mas exciting. Is it weird kung mas gusto ko na hindi niya ako magustuhan agad para hindi agad matapos ito?

I know he’s different, but that’s where the fun starts! It’ll be difficult to get his full attention, but I’m up for the challenge.

Abala pa ako na ayusin ang sarili ko sa harap ng salamin nang makita kong umilaw ang phone ko kaya agad ko munang tiningnan iyon. May message pala galing kay Euphony.

special friend ni zero

hoy bakla ka ng taon nandito na first sub natin. asan ka na?

second subject na ako papasok.

gago may attendance

alam mo naman pirma q diba? 🥰

pakyu

mahal na mahal kita alam mo yan.

Binaba ko na lang ang phone ko at nagpatuloy ako sa pag-aayos ng sarili ko. Ngayon na rin ang huling araw ng preparation nila Simon para sa annual trade fair ng school nila. Ibig sabihin, hindi ko na ulit siya makikita kaya dapat makagawa ako ng paraan para magkausap kami pagkatapos nito.

Nagmadali na ako papunta ng school dahil malapit nang matapos ang first subject namin. Puyat na puyat kasi ako kagabi kaya ngayon late na akong nagising! Ayos lang naman dahil mabait naman yung teacher namin sa first subject. Hindi nga lang pwedeng sa second subject ako ma-late dahil basic calculus namin iyon.

“Isa nga pong turon tapos coke mismo,” bumili muna ako dahil may 15 minutes pa bago yung second subject.

Hindi rin naman ako pwedeng tumambay sa tapat ng room dahil baka makita ako ng teacher namin at malaman pa niya na hindi ako pumasok sa subject niya!

Wala masyadong tao sa canteen ngayon dahil halos lahat ng estudyante nasa classroom nila. Kung may mga napaparito naman, madalas mga nag-cutting class o tulad ko na late din at hindi pumasok sa first subject.

“Hoy Darlene! Late ka?” nag-angat naman ako ng tingin kay Zero na palapit sa pwesto ko.

Kumunot ang noo ko. “Gago late ka rin?!”

“Igaya mo pa ako sa’yo,” umupo naman siya sa upuan sa harap ko. “Nagpaalam lang ako mag-restroom tapos dumiretso ako dito sa canteen.”

“Tarantado ka pala talaga. Bakit hindi ka pa bumalik doon?”

Umiling naman siya at nagsimulang kumain ng empanada sa harap ko. May bitbit pa siyang palamig tapos mga chichirya. Ang gago talaga!

“Boring ng first subject saka hindi ako kumain ng breakfast. Calculus kasunod nito kaya hindi pwedeng gutom ako. Bobo na nga tapos wala pang laman sikmura,” sabi niya bago siya nagmadaling kumain.

“Tanga kahit naman may laman sikmura mo bobo ka pa rin,” pang-asar ko pa.

“At least busog ako,” he chuckled before wiping his lips using tissue.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now