Chapter 30

2.5K 58 36
                                    

Choice

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang tulala akong nakatingin sa TV. Halos isang buwan na ang nakalipas pero pakiramdam ko isang taon na ang nagdaan. Sa isang iglap lang din ay bumalik na sa dati ang lahat.

The mistake I made turned out to be a blessing in disguise. I received the hate in order for Simon to regain the public’s trust. They were all convinced that I cheated with Simon, so instantly, the sympathy flipped to his side.

Pinili kong manahimik. Hindi na rin ako nag-abala na protektahan pa ang imahe ko dahil tama lang iyon. Nakabalik na sa dati ang Equinox at mas malaki pa nga yata ang bawi dahil sobrang matunog na sila ngayon dahil sa nangyaring issue.

“You deserve all of it,” I softly whispered. Ang mga mata ko ay nakapako lang kay Simon na ngayon ay parang hindi ko na maabot.

Pinunasan ko ang luha ko bago ko pinatay ang TV dahil sapat na ang nakita ko. Nag-renew na sila ng kontrata sa Celestial Records. May upcoming album na rin sila habang ako? Pinagpipiyestahan pa rin ng mga tao pero hindi bale. Ang mahalaga ay nakabalik na si Simon.

But that’s how the media works. Kumbinsido sila na epal ako sa namamagitan kay Simon at Ariel. Bukod pa doon, mas lalo lang akong nasira dahil sa ginawa kong paghalik kay Enoch. Everything is just so fucked up.

“You sure about this?” tanong sa akin ni Kuya Adam habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko.

I nodded. “May buhay pa ba ako dito sa Pinas? Kulang na lang batuhin ako ng mga taong makakakita sa akin.”

He pulled me in for a hug. Napangiti naman ako habang hinahaplos niya ang buhok ko.

“Poland is perfect. You’ll get over it,” he said.

“Sana nga.”

Bumaba naman ang tingin niya sa tiyan ko. Malungkot akong napangiti.

“And about that? May balak ka bang sabihin sa kaniya iyan?”

“Hindi niya na kailangang malaman. I ruined him once. Ayaw ko nang dagdagan iyon,” mapait kong sagot.

“Celine and I will help you raise the baby.”

I smiled. “Thanks, Kuya.”

I rested my hand on my tummy. The sun has set for now in my life, but because of this baby, I know the sun will rise again for both of us. For new hope, new life, and new beginning.

“Sana babae siya. I really want to have a younger sister pero kaya siguro ako hindi binigyan ng babaeng kapatid kasi maaga Niya akong bibigyan ng bata,” I jokingly said.

“Odette will be happy for sure,” sagot pa ni Kuya.

“Pahinga na muna ako. Bawal na sa akin ang magpuyat.”

Nagdesisyon na akong sumama sa Poland para doon magsimula ulit. Alam ko rin naman na hindi na ako magkakaroon ng maayos na buhay dito kaya sa ibang bansa na lang. Ayaw ko rin na lumaki ang anak ko na kinamumuhian siya ng lahat.

Ayaw kong maranasan niya ang naranasan ko.

This baby is unexpected. Nalaman ko lang na buntis ako one week after ng breakup namin ni Simon. Hindi rin sumagi sa utak ko na ipalaglag ang bata pero nagalit sila Mommy kaya sila na rin ang nagtulak sa akin na pumunta ng Poland.

Kahit hindi naman nila ako itulak ay talagang pupunta ako doon. Hindi dahil sa kahihiyan kung hindi dahil gusto ko siyang protektahan. I know Simon deserves to know the truth... but not now.

I can’t afford to see him lose everything again. Nag-uumpisa pa nga lang siya ulit at ayaw kong tanggalin sa kaniya iyon kaya kami na lang ang lalayo. Someday... he’ll understand. Para rin sa kaniya ito.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon