Chapter 33

2.5K 53 40
                                    

Chances

Tangina talaga ni Zero kahit kailan. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman na siya ang may pakana kung bakit nandoon din si Simon! Imposibleng coincidence iyon kaya sa susunod na makita ko si Zero sisiguraduhin kong mabubugbog ko siya.

Hindi pa rin ako makahinga sa interaction namin ni Simon kanina. Ang biglaan naman kasi ng pagdating niya. Hindi ko rin inasahan at talagang hindi pa rin nag-process sa akin ang nangyari.

“Punyeta, Darlene! Kalma mo lang iyang pempem mo,” bulong ko sa sarili ko.

I have no idea how to calm myself. Simon is so freaking hot and gorgeous. Hindi ko naman ikakaila iyon pero iba pa rin kapag nakita siya nang malapitan. Kadalasan kasi sa malayong seat lang naman ang pinipili ko sa concert kaya hindi pa rin malinaw ang view niya sa akin.

Sa postura pa lang ni Simon parang pinapamukha niya na sa akin na siya ang sinayang ko.

“Here’s your donuts, baby!”

Lumuhod naman ako para mayakap ko si Solstice na agad akong sinalubong. Nag-angat ako ng tingin kay Lola Ana na nakatingin lang sa amin habang nakaupo siya sa wheelchair niya.

“How’s your day, baby?” I asked her.

“I had fun talking with Lola Ana, and thank you for the donuts, mommy!” Sol kissed my cheek and hurried to Lola Ana.

Nilapitan ko na rin si Lola Ana para halikan sa pisngi niya. She looks so happy. Halatang aliw na aliw sa kakulitan ng anak ko.

“La, kamusta po? Pasensya na po dinalaw ko lang po yung kaibigan ko kanina.”

“I am good, Darlene. Ang OA niyong lahat. Hindi pa ako mamamatay,” she grunted.

“Nangangamusta lang po! Syempre concerned din ako sa health niyo.”

Sumimangot ako nang marinig ko ang ubo niya na parang gasgas na. Inabutan naman siya ng nurse ng tubig bago niya ako nilingon.

“Relax. Kahit 91 na ako malakas pa rin ako. Lamig lang ito,” pahabol pa ni Lola Ana.

Alam naming lahat na hindi na gano’n ang sitwasyon ni Lola Ana. Ang dahilan din kung bakit umuwi na rin ako dito. Kahit i-deny pa ni Lola Ana alam kong nahihirapan na rin siya.

Hindi lang talaga niya gusto na nakikita siyang mahina. Ayaw niya rin na kinakaawaan siya.

“Lola, can we play?” inosenteng tanong ni Sol.

“Sol, your Lola needs some rest. Ako na lang ang makikipaglaro sa’yo. How’s that?”

“I did not expect you to be a good mother,” komento ni Lola Ana.

I chuckled. “Should I take that as a compliment?”

Humalakhak kaming dalawa habang pinapanood namin si Sol na maglaro.

“She wants to play piano. Dalhin mo siya sa music room. Sure akong namana niya iyan kay S—”

I cut her off. “Oo na po. Alam ko na kung kanino niya iyan namana.”

“Alam na ba ni who must not be named ang tungkol kay Sol?” tanong ni Lola.

“Naghahanap pa po ako ng tyempo. May contact naman ang mga kaibigan ko sa kaniya kaya madali na lang iyon kapag may plano na ako.”

“You should hurry. Mahirap na kapag siya pa ang unang nakaalam. Alam mo naman na ang liit ng Pinas lalo na sa kaniya na sikat na sikat pa dito.”

Ilang araw kong pinag-isipan ang tungkol sa sinabi ni Lola. Mas lalo tuloy akong natakot dahil baka malaman ni Simon. Lalo na ngayon na nasa iisang bansa na lang kami.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now