Chapter 29

2.2K 53 56
                                    

Note: Sorry for the long wait. Finals na po kasi namin kaya baka abutin ulit ng isang linggo bago po ako makapag-update. But since the following week is our last week for this semester, magiging bakante na ulit ako kaya sunod-sunod na po ulit ang update. Salamat po sa pang-unawa!

Destruction

Nagising ako sa isang malakas na sampal. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay parang hindi ko man lang magawang maimulat ang mga mata ko. Pinilit ko pa ang sarili ko para lang makabangon at tingnan kung sino ang sumampal sa akin.

"N-nathan? What the fuck?!"

Parang pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit kaya naman hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang tingin sa akin ni Nathan. Nanlilisik ang mata at parang sasabog na bulkan sa galit.

"Pwede mo naman akong gisingin nang maayos. Bakit mo pa ako kailangang sampalin?!"

"You don't remember what happened last night?" pagalit niyang tanong sa akin.

"Shit. Did I do something stupid?" wala sa sarili kong tanong.

Agad ko namang nilingon ang paligid. Ngayon ko lang napansin na hindi ito ang condo ko. Nandito ako ngayon sa mansyon! Ayaw ko na ngang bumalik dito so how did I even end up here?!

Mula rito ay kita ko ang malaking orasan. Halos ala una na ng hapon. Wala na rin akong maalala sa nangyari kagabi at kung paano man ako napunta dito ay misteryo pa rin.

"Stupid is an understatement," he said. Inilapag niya sa harap ko ang phone para ipakita ang isang video.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig ako sa video. Agad akong umiling habang ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Imposible. Hindi ko magagawa iyan.

Itinulak ko ang phone kaya nalaglag iyon sa sahig. Nanginginig pa rin ako habang naaalala ko ang laman ng video.

"E-edited!" sigaw ko. "Hindi ako iyan. Hindi ko gagawin iyan! May boyfriend ako. Mahal ko si Simon!"

"Sana nga edited lang iyan pero ako mismo ang nakakita sa ginawa mo kagabi. Hindi lang ako pero marami ang nakakita," mapait niyang sinabi.

"N-no, tell me you're joking. Baka nawala lang sa isip ko na may event pala."

"Stop the madness, Darlene! You kissed someone. Not just anyone, but Enoch! And the worst part is that you initiated it."

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi. I was too drunk to remember it correctly. Ang alam ko lang ay nahihilo na ako sa sobrang kalasingan. Nanlalabo na ang paningin ko at parang nakita ko si Simon kaya hinila ko siya.

"S-simon was there! Sinundo niya ako sa dance floor so I kissed him!" giit ko pa.

He shook his head. "Si Enoch iyon!"

"N-no, there must be a mistake. Hindi ko magagawa iyan. Hindi ako iyan!"

Napahinto ako nang pabagsak na binaba ni Nathan ang kamay niya sa kama. Halos manlisik na ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Stop making excuses, Darlene! Be accountable for what you did."

"H-how can I be accountable for something that I don't really remember?" I asked desperately.

"Hindi ko na alam! Mabuti na lang at nakita kita kagabi at naiuwi pa kita dito," sagot niya.

My heart hurts thinking about the video, and then Simon crossed my mind. I feel guilty, even though I'm not entirely sure what went down. Even if it was a mistake, I know I still need to explain.

"Pinag-uusapan ka nila. Hindi ko gusto ang mga sinasabi nila sa'yo kasi kilala kita!" dagdag pa ni Nathan. "Pero ngayon? A-ang hirap mo nang ipagtanggol, Darlene."

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now