Chapter 18

2.3K 54 13
                                    

Secret

Even after Simon spilled everything to me, I still couldn’t shake off the uneasiness. It’s not that I don’t trust him—it’s more about how that relationship has affected him. Kaya pala hindi na maganda ang pakiramdam ko simula nang malaman kong may past sila.

I simply don’t condone relationships between minors and adults. It’s not just about the age gap. It’s the fact that adults have way more life experience, and it can turn into a power play. The older person might end up manipulating and controlling the younger one just because of their age.

That’s simply my take on this matter. For now, I’ll just be careful with Simon since it’s obvious that he’s traumatized from his last relationship.

“Pop up later?” si Courtney na biglang bumulong sa akin habang nakikinig ako sa lesson namin sa Bio Stats.

I nodded. “Sige lang. Friday naman na ngayon kaya wala nang problema.”

“Thank you, class. I’ll dismiss you now. Please be ready for our laboratory next meeting,” our professor announced, and I could hear everyone letting out a collective sigh.

Umahon na ako mula sa pagkakaupo ko at saka niligpit ang gamit ko. Habang tumatagal, natatambakan na rin kami ng gawain kaya kahit sabihin ko pang kaya kong maging petiks lang. Napipilitan na rin talaga akong mag-aral dahil baka magalit sa akin sila Mommy.

“Susunduin ko pa ba kayo o doon na lang tayo magkikita?” I asked them habang sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng room.

“Kita na lang tayo doon! Kasama rin natin sila Jasmine mamaya kaya marami tayo,” sagot ni Autumn.

I nodded. “I see. Sige, doon na lang tayo magkita. Chat na lang kayo mamaya!”

We parted ways after that. Habang ako naman ay nagmadali na ilabas ang phone ko para silipin kung may message ba sa akin si Simon. Upgraded na rin dahil hindi na kami sa Instagram nag-uusap! Nasa iMessage na kami ngayon.

Simon Griffin Benitez

Hi, may gagawin ka ngayon?
Tapos na class mo?

hellooooo : ))
katatapos lang ng bio stats namin 😞

Hello
What’s with the frown?

may lab kami next meeting huhu
pamatay na subject pota 😭😭😭

Hahahahahaha 🤣
You can do it.

sana nga kaya q pa
anw may gala ako later

Where?

pop up lang
chill lang w my friends 😁

I see.
Have fun, Darlene.

He’s awkward.

Halatang hindi niya alam kung paano lumandi. Maybe because of his past? I know he’s trying his best pero makikita pa rin talaga na hindi niya alam ang gagawin. But I find it cute na sinusubukan niya.

Napangiti na lang ako at nagmadali na pauwi sa mansyon. Sa Sunday na ang alis nila Kuya papuntang Poland kaya hangga’t maaari sinusulit ko na ang mga panahon na nandito pa sila.

Kahit si Kuya Caleb ay tumuloy na rin muna sa mansyon kahit pa nasa kalagitnaan siya ng pagre-review niya. Malapit na rin kasi ang board exam kaya puspusan na rin talaga ang review niya.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now