Outro

2.8K 80 34
                                    

Simon Griffin Benitez

Trigger Warning: verbal abuse, violence, and mentions of drugs

"And where do you think you're going?"

I wake up every day of my life trying to win their affection because someone told me that every day is a new day with new chances and new possibilities. Na baka sa araw na ito ay may magbago o baka iba na ang resulta kahit pare-parehas lang naman ang ginagawa ko sa araw-araw at iyon ay ang pagsubok na saluhan sila sa hapagkainan.

"Kakain po," I answered with my voice shaking.

"How many times do I have to say it? You can't eat with us. Why don't you just go and ask the maids to bring your food to your room?"

"B-bakit po? Sasabay lang naman po akong kumain sa inyo Mama."

"I said shut up! Huwag mo ako tawaging Mama!" bulyaw niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa dalawa ko pang kapatid na nakatingin lang sa akin habang nakain. Mas bata sila sa akin kaya ako ang nagsisilbing panganay nila. Parehas nilang nilabas ang dila nila para asarin ako.

"S-sorry po..."

"Go to your room! Tumawag na si Jackson kaya doon ka muna sa susunod na linggo!" dagdag niya pa ulit.

I couldn't help but cry. I don't have a permanent home. My parents keep tossing me back and forth like a ball. But what else can I expect? I'm the result of their mistakes. They wanted to hide me from everyone because they were too ashamed to deal with the consequences of their unfaithfulness.

Ngayon pa sila nakaramdam ng hiya dahil lumalaki na ako pero hindi man lang sila nakaramdam ng hiya habang gumagawa sila ng kalokohan sa kaniya kaniya nilang asawa.

"Anong gusto mong laruan, Simon? Toy car? Action figures? Lego?"

My father continued asking me some questions. Nakasunod lamang ako sa kaniya habang naglalakad kami sa loob ng isang department store. May kasama rin siyang secretary at bodyguard. If I had to choose between my father and mother, I would definitely choose my father. Not because he's kind, but because he's less evil than my mother. It's disheartening that I have to settle for the lesser of two evils.

"I want a guitar," I truthfully answered. Halos mabali ang leeg ko habang nakatitig ako sa katapat na store.

He raised a brow. "You're interested in musical instruments, little boy?"

"Yes."

"Guitar is overrated. Let's buy a piano instead," he declared.

Hindi na ako umangal dahil hindi ko naman pera ang igagastos nila sa akin. Interesado rin naman ako sa piano pero mas gusto ko nga lang ang gitara. Pinasadahan ko ng tingin ang price tag ng mga gitara.

Ang mahal naman. Miski acoustic guitar ay parang isang buwan ko na ring baon.

"Mabibili rin kita," bulong ko.

Agad kaming umuwi nang makabili na kami ng piano. Dumiretso kami sa isang condo unit niya sa Taguig. Sa tuwing siya ang may toka sa akin ay dito niya ako iniiwan. Ako lamang kasama ang dalawang kasambahay para asikasuhin ako.

"There. May piano ka na."

I faked a smile. "Thank you po."

Maingat niyang ginulo ang buhok ko. Ilang saglit lang ay may hinugot siya sa bulsa niya. Nilabas niya ang wallet niya at inabutan ako ng pera. 20,000 para sa isang linggo kong baon? Sobra sobra na ito para sa isang Grade 7 na katulad ko.

"Your allowance for this week. May pagkain ka na dito. May matutulugan ka na kaya huwag mo na akong i-chat o tawagan para mangulit," seryoso niyang paalala.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now