Chapter 32

2.5K 64 56
                                    

Call

Parang kailan lang nang una akong dumating dito sa Poland. Hindi ko pa alam noon kung anong nag-aabang sa akin. Takot na takot din ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko pero ngayon? Pakiramdam ko iiwan ko na ang naging tahanan ko.

“Thank you for everything, Anka. I really had a good time working here.”

Muli kong niyakap si Anka, ang owner ng zoo na pinapasukan ko dito sa Kraków. Namasukan ako dito bilang part-time zookeeper. Sa kagustuhan ko lang na magkaroon ng hands on experience pagdating sa wildlife.

“No, it should be me thanking you. I am grateful for all the things you’ve done for me over the years. I just hope you’ll find happiness when you come back to the Philippines,” she answered with teary eyes.

“I am happy and contented.”

She shook her head. “Real happiness, Darlene.”

I forgot the true definition of happiness. Siguro kung wala si Solstice baka matagal na akong binawian ng buhay. Ang anak ko talaga ang pangalawang pagkakataon ko sa buhay na ito. Isa na rin siguro sa rason kung bakit hindi pa rin ako namamatay ngayon.

“Thank you, Anka. I’ll get going now.”

3 days a week lang ang pasok ko sa zoo. The job is not really paying that much kaya naghanap pa ako ng isang trabaho. Mas nagustuhan ko naman ang pagiging part-time professor sa isang community college dito.

Hindi ako nakapasok sa med school. Hindi rin kasi kakayanin ng oras ko dahil kailangan kong tutukan si Solstice so I had to choose back then. Pinili ko na lang na mag-take ng ilang units para makapagturo ako ng Biology.

“Si Kuya Adam?” agad kong tanong kay Ate Celine nang makauwi ako.

“Nasa clinic pa niya. Pauwi na rin iyon mamaya.”

“Ano bang tinatrabaho niya? Parang palagi siyang may ginagawa doon sa laboratory niya.”

Ate Celine sighed. “He’s trying to develop a new medicine, Dar. Hindi ko rin alam ang detalye. Siya lang ang may alam.”

“Kuya is working hard these days, ah. Sana hindi niya naman inaabuso sarili niya.”

Tinapik ko ang balikat ni Ate Celine nang makita ko ang lungkot sa mukha niya. Madalang na lang kasing umuwi dito si Kuya Adam. Parang inuuwian na lang ang bahay para magbihis tapos aalis ulit.

Hindi rin naman nagtatrabaho si Ate Celine kaya siya rin ang halos na nakabantay sa mga bata pati na rin kay Solstice.

“We’re home!”

Natawa naman kami nang sabay na pumasok ang tatlong bata. Buhat ni Primo si Solstice habang may hawak silang mga candy at ice cream.

“Mommy...” Solstice tugged my shirt.

“Yes, baby?”

“Sorry for going out without your permission,” she weakly said.

Nakita ko naman na nagtubig ang mata niya habang nakatingala sa akin. Ang soft talaga ni Solstice. Hindi ko alam kung kanino niya namana ito. Magaspang kasi ako noong bata.

“I went out with Ate Odette and Kuya Primo because I am going to miss them.”

I tousled her hair. “I forgive you, baby. Just please don’t do it again. Iiyak si mommy.”

“I don’t want my mommy to cry so yes, I won’t do it again. I promise!” she declared. Sumaludo pa sa akin na para bang nanunumpa talaga siya.

“Tita, sorry po kasi nilabas namin si Solstice. Si Primo po kasi naiiyak kanina,” sabi pa ni Odette.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now