Chapter 6

2.2K 63 26
                                    

Equinox

My mind is still racing, even though I left Nathan’s house a few hours ago. All I can think about is how Simon looked at me and the lyrics that came out of his kissable lips. Tangina bakit parang totoo ang lahat ng iyon? Sa paraan pa lang ng pagtitig niya para bang pinapalabas niya na humihingi talaga siya ng sorry sa akin.

He’s a performer, and he’s good at it. He can make me feel things with just his voice and his eyes. Simon’s definitely destined for stardom.

Kailangan ko nang pigilan ang sarili ko na mag-assume dahil baka mapahiya lang ako. Tulad nga ng sinabi niya sa akin, I should stop assuming things. I need to be realistic. Singer siya at natural lang sa kaniya na gawin iyon. Hindi ko na dapat binibigyan pa ng meaning.

Two weeks is a short time to develop such feelings. Alam kong matatagalan pa ito kaya marami pang pwedeng mangyari at marami pa akong pwedeng gawin. Might as well enjoy it until it lasts.

“Manang Ethel, tell my parents that I’m going out tomorrow,” I informed our housemaid.

“Saan po kayo pupunta?” tanong naman niya.

I smiled. “Sa school lang po nila Nathan. May event sila and I can’t miss it.”

“Mas mabuti na rin po kung magsasabi po kayo mismo sa kanila.”

My parents are out of the country. Hindi ko pa nga malalaman na nasa Taiwan sila kung hindi ko pa makikita ang post ni Daddy sa Facebook. Hindi man lang nagsabi sa akin o kahit nag-iwan man lang ng message sa group chat namin. Talagang sa social media ko pa nalaman na para bang follower nila ako at hindi anak.

Ang sarap na lang talagang bumalik ulit sa pagkabata. Hindi naman sila ganito noong bata pa ako. Kung kailan kami tumanda saka naman nagkaganito. It’s like we’re all growing apart. May kaniya kaniya nang buhay kaya pakiramdam ko ako na lang ang naiwan.

“Sure, I’ll inform them,” I agreed, even though I knew that I would get no response from them after all.

Inubos ko na lang ang hapunan ko at agad akong umakyat sa kwarto dahil wala naman na akong gagawin pa. Busy pa naman si Kuya Caleb at puro kasambahay lang din naman ang mga kasama ko.

Mabuti na nga lang at inaya ako ng mga kaklase ni Nathan dahil baka masiraan lalo ako ng bait kung dito lang ako buong weekend. After this one ano namang pwede kong pagkaabalahan? I just feel lonely. Gusto kong magkaroon ng libangan.

I decided to take a half bath and change into my pajamas. Maybe I should watch a movie before going to sleep. I should check first my social media accounts. Baka kasi may importanteng message.

Nangawit na lang ang kamay ko kaka-scroll sa unread messages ko. I was about to log out when a new message popped up on my screen. Galing iyon kay Wendy, leader ng dance troupe na sinalihan namin ni Euphony.

Wendy Narvaez

Hi, Darlene! I’m sorry kung late na itong message ko. Hindi lahat ng members kaya kong i-accommodate kaya pili na lang muna ang isasama ko. Invited kasi tayo sa opening ng dance class ng East Revolution. I’m sure you know them, right? 10 members lang from our dance troupe and you’re one of the best. Sinabihan ko na si Euphony pero tumanggi siya kasi may work daw siya. Ikaw ba? Are you free?

count me in!

Really? Sure na ba iyan?

yup. may registration ba?

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now