S2: Chapter 56

363 17 1
                                    

After namin mahanap ang pinakaunang disciple ni mama, bumalik kami sa palasyo at doon, nakilala namin ang mga kapatid ni Drean at ang kaniyang mga magulang. Buti nalang ay close siya sa mga magulang niya. Anim silang magkakapatid. Panglima siya sa magkakapatid at siya ang pangatlong prinsipe. Yung ate niya kanina na nakausap ko na si prinsesa Genevieve ay pangatlo sa magkakapatid. May kuya pa sila at ate pero wala sila sa palasyo ngayon. Ang panganay pala nila ay isa sa mga Noblethorne ng Cara Imperia.


At tungkol naman sa disipolo ni mama, pagkatapos kong malaman ang tungkol sa heavenly virtues, nalaman ko rin ang tungkol sa mga deadly sins. Ang grupo ng mga deadly sins ay nagmula sa underworld na pinamamahalaan ni Einz, the ruler of the underworld. Ang mission ng deadly sins ay sumunod sa utos ng demon lords, ang pangalawa sa pinakamataas na ranggo ng underworld, sumunod kay Einz.


Kaya magkalaban ang mga heavenly virtues at deadly sins, ito ay dahil di magkasundo ang underworld at heims (Valheim/Elkheim). Nagtatalo palagi sila sa estado ng mga tao sa mundo. Ang underworld din ang dahilan bakit tumiwalag noon ang mga tao sa diyos, at kung di dahil kay Amara ay di na nanumbalik ang pagtitiwala ng mga tao sa diyos.

Pero sabi ni Gabriel, ang kuta ng mga deadly sins ay sa Ciaran. Di na rin ako nagulat dahil sa Ciaran, walang umaga at di sumisikat doon ang araw. Magandang kuta nga yun ng mga katulad nila.


Mga tatlong linggo rin kaming nagstay sa Moreville at masaya naman ang dito kina Drean. Di ko inakalang maeenjoy ko ang bakasyon kasama sila. Dahil sa kahariang ito, mas marami akong nalaman tungkol sa beastmen at marami akong nakilalang beastmen. Pagkatapos ng tatlong linggong bakasyon, bumalik na kami sa Cara Imperia upang maghanda na sa aming ikalawang taon. Nagulat kami ng pagkabalik namin ay nag-iba na yung ayos ng dorm. Naalala kong para sa first years yung first floor at dahil incoming second years na kami, lilipat na kami sa 2nd floor.

"Room 2-001," I mumbed to myself.


I can't believe we're ascending ranks this year.


"No way...." Rinig kong wika ni Drean mula sa likod.


"What's the matter?" Tanong ko sa kaniya, maging si Azure rin ay malungkot ang mukha.


"Rei, we're not dormates anymore," malungkot na saad ni Drean.


"What?," gulat na sigaw ko at tinignan ko yung mga pangalan na nakalista sa dorm.


-Rei del Vough
-Asheron Laperone
-Macarius Farman


No... This can't be happening. I won't share a room with these people. I'm more comfortable with Drean and Azure.


Napalingon ako at nakita kong umiiyak si Drean at pinapakalma siya ni Azure. I need to do an action, ayokong paghihiwalayin kaming tatlo sa dorm!


So nung araw na yun, nagpasiya akong pumunta sa office ng Noblethornes para mag-apela. Nang makilala ako ng mga taga-doon as Rei, agad may lumapit sakin.


"Excuse me, I would like to switch my dorm room to 2-003. What can I do to----"


"You're Rei, right? Drean's friend, and you want to switch dorms to Drean's dorm?" Di niya ako pinatapos at nagsalita agad siya.


"Y-Yeah," sagot ko.


"If it's you, the genius rookie, it's already granted," sabi niya.


Ngayon ko lang napansin yung pakpak niya sa likod maging ang paa niya na parang ibon... Don't tell me he is...


"I am Falcon Vian Moreville, I am also incharge of the recruitment for Student Councils. Eversince the graduation, andaming nabawasan sa council at kailangan namin magrecruit. If you're interested in joining, please don't hesitate to contact me," sabi niya.


The Villainess's RebirthWhere stories live. Discover now