Kabanata 1

29 0 0
                                    

Stain.

Hindi ko alam kung paano akong magre-react sa sinabi ni Shaina. Akala ko ako lang ang nakakapansin sa kaniya pero hindi. Nilingunan ko tuloy si Rainier na masayang nakikipagtawanan sa lamesa ng mga kaibigan ko.

Humihinto pa siya sa pagkain para tawanan ang sinasabi nila roon. Naaagaw nila ang atensyon ng mga pumapasok na customer dahil maingay sila roon.  Nakaka-curious tuloy ang pinag-uusapan nila.

"Anyway, I'm not sure about that. Maybe just a coincidence," sabi ni Shaina sa akin na muling nagkibit-balikat.

Kahit sinabi niya iyon, hindi ko tuloy maiwasang titigan si Rainier. Napaiwas lang ako ng tingin nang hanapin ako ng mga mata niya.

May sinabi siya sa mga kasama niya sa lamesa kaya sabay-sabay nila akong nilingon. Napakunot tuloy ang noo ko.

Ano na namang paandar nitong lalaki na ito?

"Oh, why are you there? Shaina, come and join us," ani Marco.

Nagulat si Shaina sa pagyaya nila. Akala ko ay aayaw siya pero niyaya niya ako. Sabay kaming naglakad sa lamesa nila.

"What's your topic?" Tanong ni Shaina.

"Oh, nothing much. Just asking about Rainier's story," ani Olivia.

Nilingon ko si Rainier na nakatingin sa akin at may multo ng ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi ni Shaina kanina.

Does he really know me? That's what my impression is when I first saw him cause he really looked at me as if he's guarding me.

"He finished his Master's in California and now helping his family's company," kwento ni Melissa.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Akala ko ay nagliliwaliw lang siya rito sa Italy kaya ang marinig ito sa mga kaibigan ko, pakiramdam ko na-judge ko siya.

Saglit kaming nagkwentuhan. Nagdinner lang kami at maya-maya ay nagpaalam na sila para makapag-asikaso. Si Shaina naman ay may pasok pa kaya naman napagpasyahan naming sa bar na lang magkita-kita.

"Uuwi ka pa ba o didiretso na roon?" Tanong ni Rainier habang tinutulungan akong magligpit.

Nilingon ko siya. Sinandal ko ang sarili ko sa counter ng coffee shop. Wala nang tao bukod sa amin at sa isa kong staff na tinutulungan kaming maglinis. Sa Lunes pa ang regular opening. Sabado ngayon kaya kahit maglasing ako ay ayos lang.

"Alam mo Shaina told me something," sabi ko.

Hindi yata ako makakatulog nang mahimbing kapag hindi ko iyon natanong sa kaniya. Ayaw ko nang mag-isip nang kung ano-anong mga bagay kaya kailangan ko na itong tanungin sa kaniya ngayon pa lang.

Hawak niya ang isang basahan sa kaliwa niyang kamay at pang-spray naman sa kabila. Napahinto siya sa pagpupunas ng lamesa saka ako nilingon.

"Ano raw?"

"Pinapanood mo raw ako lagi sa bar kaya akala niya boyfriend kita," sabi ko.

Napahinto siya. Kumunot ang noo at saglit akong tinitigan. Dinilaan niya ang labi niya bago ngumisi. Napairap ako. Alam kong mang-aasar na naman siya.

"Kung boyfriend mo ako, hindi ako papayag na panonoorin lang kita," sagot niya.

"That's not the point!" Pikon kong sabi. "Ang annoying mo na naman!"

Humalakhak siya. Tumango at tumayo nang maayos. Napaayos din tuloy ako ng tayo dahil binigay niya na sa akin nang buo ang kaniyang atensyon.

"'wag kang magagalit, ha?" Sabi niya.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now