Kabanata 8

15 0 0
                                    

Smile.

Hinawi ko ang kulay puting kurtina ng kwarto ko. The sun from outside made some part of my room bright. Luckily, father bought me my own condo unit. Nakalipat ako rito kaagad matapos ang dalawang araw na pananatili sa penthouse ni Kuya Cartier matapos ang libing ni Mrs. Janah Bernal. Hindi roon nagstay sina Gabriella pero nauto niya rin kalaunan.

My unit is near Kuya Cartier's place. Iyon din ang kinuha ni Daddy para raw kapag may emergency ang isa't isa ay malapit na kami. Dapat nga ay same building kami pero walang available na unit. Mabuti na rin iyon. Hindi ako makakagala nang maayos kapag nagbabantay si Kuya Cartier.

Wala akong plano ngayon kaya ang gagawin ko lang ay mamimili ng ilang gamit ko rito sa condo. Pinipilit pa nga ako ni Mommy na hayaan na ang mga tauhan na mag-ayos ng gamit ko pero tumanggi ako. Namiss ko man ang pang-spoiled nila sa akin, gusto ko pa ring maranasan ang independent life na na-enjoy ko sa Italy.

Naligo ako after ko maglunch. I'm wearing an emerald long jumpsuit paired with gold stiletto. Pinahiram sa akin ni Kuya Cartier ang isa sa mga sasakyan niya para raw hindi ako mahirapang bumyahe. Laking pasasalamat ko talaga na may mga kapatid ako.

Nakatayo ako sa tapat ng isang kilalang mall. Binalingan ko pa ang dalawang bodyguard na iniwan sa akin ni Mommy. Nakuha naman nila ang gusto kong mangyari kaya sabay silang lumapit.

Namili lang ako ng iilang house essentials. Pati na rin ang mga nakikita kong cute na gamit na alam kong babagay sa kwarto o sa unit ko ay kinukuha ko.

Nasa counter na ako nang tumunog ang cellphone ko. Rainier is calling me. Ilang beses na siyang tumawag sa akin pero hindi ko masagot-sagot dahil laging busy ako kapag tumatawag siya. Nag-iwan naman ako ng message sa kaniya na nasa Pilipinas na ako.

Malawak ang Pilipinas kaya nasisiguro kong hindi kami magkikita rito kung hindi namin plinano. Bumuntong-hininga ako at sinagot ang tawag.

"Hello..." Bungad ko.

"Finally!" Natatawang sabi niya. "Where are you now? I'm in Manila. I attended some business meeting," sabi niya.

"I'm in Taguig. Bought some things for my new condo," sagot ko.

Iniabot ko ang card ko sa cashier matapos niyang i-check lahat ng binili ko. Nakatitig pa siya sa akin at mukhang namamangha. Ngumiti na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Are you free later? Can we catch up?" Tanong niya sa akin.

I shrugged. "Kapag maaga akong natapos sure. But, we can't party, okay? May lakad ako bukas. Dinner outside is fine with me," sagot ko.

Bukas gaganapin ang second birthday ni Chanelle. Kaya nandito rin sina Mommy sa Manila. Malaking party na naman kasi iyon at gaya ng naka-gawian ay may media na naman na nagkalat.

"Don't worry, may lakad din ako bukas. Next time na ang Tequila mo," humalakhak siya.

Umirap ako sa hangin. "Sige na. Pauwi na rin ako e," sabi ko.

"Sige. Message me, okay?"

Tumango ako. "Okay. Bye."

Pinutol ko agad ang tawag bago isilid ang cellphone ko sa maliit kong bag. Kinuha ko ang card ko saka nagpirma sa receipt. Hinayaan ko ang dalawang bodyguard na magbitbit ng pinamili ko. Pinalagay ko iyon sa sasakyan.

Nagbihis ako ng pambahay pag-uwi ko. Tinulungan din ako ng mga bodyguard para ayusin ang pinamili ko. I decorated my unit the same way on Italy. May iilang touch lang ng baby pink sa kwarto ko dahil sa mga plushies na nakuha ko sa Pontevedra.

Naligo lang ulit ako matapos ang gawain ko. Nasisiguro kong kung nandito si Mommy ay mag-iiwan pa iyon ng maids para may umalalay sa akin.

"Saan ba?" Tanong ko nang sagutin ang panibagong tawag ni Rainier.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن