Kabanata 17

8 0 0
                                    

Number.

Kung maibabalik ko ba ang nakaraan, pipiliin ko bang layuan siya o hindi? I honestly don't know. Mahal ko si Alexander at sa tingin ko, siya ang kaisa-isang lalaking mamahalin ko nang ganito kalalim. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang magmahal muli dahil hindi ko magawang maka-ahon sa sakit na dinulot niya.

Everything started to get deeper when I was on grade eleven. It was the start of me giving everything to him.

"Next time kapag may umaaway sa akin, hindi ka na dapat nakikisali, Cha. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa pisngi mo," bulong sa akin ni Gabriella habang nakaupo kami sa dalampasigan.

"I'm sure if you're on my shoe, you'll do the same," tanging nasagot ko.

"Nandito pa naman si Kuya Carlo mo. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang nakipag-away ka nang dahil sa akin?" Tila kinakabahan niyang bulong.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. She's still scared of my Kuyas kahit na ilang taon na ang lumipas. Hindi ko nga rin matandaan kung nakita niya ba nang personal ang mga kapatid ko o hindi e. Basta ang alam ko, tuwing nandito sina Kuya, hindi lumalabas ng kwarto nila si Gabriella.

"Hindi ka naman pagagalitan ni Kuya. Iyong babaeng iyon ang aawayin no'n. Tingnan mo, aalis ng Pontevedra ang babaeng 'yon," sabi ko habang nakangisi.

Umismid si Gabriella at hindi na nagsalita pa. She lets herself enjoyed the beautiful sunset of Pontevedra.

"Paano kayang napasama si Ellyse sa gano'ng klase ng tao, 'no?" Bigla niyang sabi.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. I can still remember the day that she told me that Ellyse is her girl crush. Mukhang nagbago ngayon dahil tumindi ang sama ng ugali ni Ellyse na hindi naman gano'n dati.

"Masama naman talaga ang ugali ni Ellyse," sagot ko.

"Pero hindi niya gawain ang makipag-away nang pisikalan," giit niya.

"People change, Gab. Either for the best or for worst," tanging nasagot ko.

Natahimik siyang muli sa sinabi ko kaya bumaling ako sa kaniya. "Don't tell me, crush mo pa rin 'yon?" Natatawang sagot ko.

Inirapan ako ni Gabriella kaya mas lalo akong natawa. "Sinabi ko lang naman sa'yong maganda siya at matalino tapos inisip mo na crush ko na siya?" Kunot-noong tanong niya. "I just simply admire her. Not crush, ha? Pero ngayon hindi na. Dumikit kasi siya kay Reisha."

"Reisha?" Kunot-noong tanong ko.

Tumango siya sa akin. "That's the name of the girl earlier. Hindi mo ba natatandaan?" Tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. Parang narinig ko na ang pangalan na iyon sa kung saan dati pero hindi ko lang matandaan. Kinunot ko pa ang noo ko habang pilit na iniisip kung saan ko nga ba narinig ang pangalan ng babaeng iyon. Bumuntong-hininga na lang ako nang sa huli, hindi ko iyon matandaan.

Ilang minuto pa kaming tumambay roon bago kami nagpasyang pumasok na ng mansyon. Ayaw ko pa nga sana pero pinilit ako ni Gabriella dahil may sugat daw ako. Akala mo naman ikamamatay ko ang maliit na sugat na iyon.

Patalon-talon akong bumaba nang hagdan nang makita si Kuya Carlo na nakaupo sa sofa. He's in front of his working laptop at bumaling sa akin nang marinig ang yabag ko. Sumandal siya sa sofa at pinagmasdan akong bumaba hanggang sa makapunta ako sa pwesto niya.

Kumunot ang noo niya nang makalapit ako. Tumayo pa siya at talagang lumapit sa akin. Tiningala ko ang mukha ni Kuya nang hawakan niya ang panga ko.

"What happened to your cheeks?" Kunot-noong tanong nito sa akin.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now