Kabanata 45

9 0 0
                                    

Answer.

I was dancing like a wild woman in the middle of the bar. Some strangers are cheering for me. Nag-iinom sa lamesa namin si Rainier. He's watching me like a hawk. He nodded as if he's telling me to enjoy what I am doing.

Kanina ay gumala kami ulit sa Burnham Park. Matapos no'n ay pumunta kami sa Igorot Stone Kingdom. Huli naming pinuntahan ay ang Mirador Heritage and Eco Park at doon kami medyo nagtagal. Kumain lang kami saglit sa SM Baguio bago kami nagpunta rito.

Akala ko nga ay hindi siya papayag sa anyaya ko dahil inuman na naman iyon pero nagkamali ako. He lets me do whatever I want and I like it that way.

Pumikit ako at dinama ang maingay na musika. I was grinning and literally enjoying this part of my life. Para akong nakawala na naman sa hawla ko. Sa Italy ay hindi ako masyadong nagsasayaw dahil hindi ako komportable sa maraming tao na hindi ko naman kilala. But tonight, I let myself enjoy. Maybe because I am with him.

May humawak sa bewang ko kaya agad akong napadilat. Kung hindi ko lang naamoy ang pamilyar na pabango ni Rainier ay sisigaw na ako.

"Let's go?" Bulong niya.

Hinarap ko siya. Matangkad siya kaya hanggang dibdib niya lang ang eye level ko. Tuloy ay kinailangan ko pang tumingala sa kaniya. Mapungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakasabit sa kaniyang balikat ang kulay dilaw kong shoulder bag. Naka-suot siya ng itim na long sleeves at itim na pants.

"Later, please?"

Tumango siya at hinaplos ang bewang ko. "Okay. I'll just watch you from our table," marahan niyang bulong.

"Ayaw mo rito?" Tanong niya.

"Do you want to?" Balik niyang tanong. "Baka hindi ka mag-enjoy kapag nandito ako."

Natawa ako sa sinabi niya at umiling. "It's fine, Rainier. Pero kung ayaw mo—"

"Hindi na!" Mabilis niyang sagot. "I like it here."

Akala ko ay magagawa ko pa ring maging normal kahit na magkasama kami ngayon sa stage at parehas na sumasayaw pero nagkamali ako. When he slowly dance in front of me, I literally couldn't breathe properly. Siguro dahil alam ko na hindi na lang bastang pagkakaibigan ang mayro'n sa amin ngayon.

Nakahawak lang siya sa bewang ko at nakikisabay sa marahan kong galaw. Nakayuko siya at sinandal ang noo niya sa aking ulo habang titig na titig sa akin. I always thought that a man dancing is awkward but I am so damn wrong! Rainier looks so hot that even some of the strangers were looking at him in awe. Parang ngayon lang sila nakakita ng lalaki na sumasayaw.

"Let's go back in our table," marahan kong bulong nang halos hindi na ako makagalaw.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil nauna na akong naglakad. I heard him called my name but I didn't look back. Gusto ko na lang na umalis na lang doon kaagad. Narinig ko pa ang pag-excuse niya sa iilang tao na nakasalubong namin.

Diretso ang pag-inom ko ng whiskey na nakapatong sa lamesa namin. Naupo ako sa malambot na couch bago muling salinan ang sarili ko ng alak.

Shit! Tigang na tigang na siguro ako na lahat na lang tungkol kay Rainier ay napapansin ko. This fucking started when we kissed e!

"Pagod ka na?" Tanong niya kaagad nang makaupo siya sa tabi ko.

Nilingon ko siya at agad na bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. He licked his lips before he grinned. Napairap ako dahil alam kong alam niya kung saan ako nakatingin.

"Maybe you're thirsty, Cha," humalakhak siya.

Napairap na lang akong muli bago nag-iwas ng tingin. I rolled my eyes again before pouring another drink for myself.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now