Kabanata 25

7 0 0
                                    

Warning: R18+
If you are a minor or not open to this kind of scene you can skip this and proceed to the next chapter.

———

Cuddle.

Xander was always been so good with words. He knows how to make my little heart flutter. He knows what to do just to make me fall for him harder. He knows how to act in front of me. Back when I was still so in love with him, I feel like everything that he's showing me is because he loves me.

Akala ko lahat ng sinasabi niya ay totoo. Akala ko lahat ng ginagawa niya ay dahil mahal niya ako. But, I guess I was wrong. He didn't love me. He just used me for his revenge. He's after his revenge while I am so deeply in love with him.

"Aalis na kami next week," nakangusong sabi ko. "Hindi ka talaga sasabay?"

Umiling siya at habang nilalaro ang daliri ko. "Hindi na, Charlynn. Mauuna na lang ako sa inyo roon para maayos ko ang apartment ko."

"Dapat kasi sumabay ka na lang e. Okay lang naman sa mga kaibigan ko 'yon," nakangusong sabi ko.

Mahina siyang tumawa at muling umiling. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. "Cha, hindi na. Hihintayin na lang kita roon."

Tumango na lang ako. Sa susunod na linggo ay lilipat na kami sa Manila. May nahanap na three bedrooms apartment si Rei. Maaga lang kaming luluwas para maasikaso namin ang mga kailangan namin sa university na papasukan at para na rin makapaggala kami muna.

Xander will also continue his study in Manila. We will both take Architecture. Mabuti na lang din at sasama siya dahil hindi ko yata kakayanin ang long distance relationship kahit wala naman kaming relasyon.

"Baka ipagpalit mo ako sa iba kapag nasa Manila na tayo, ha?"

Umiling siya, ngumiti, at hinalikan ang kamay ko. "Kahit anong mangyari, hindi kita ipagpapalit 'no! Baka ako ang ipagpalit mo kasi natikman mo na ako. Baka maghanap ka na ng iba," paratang niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sinubukan ko siyang suntukin pero hinuli niya ang kamay ko saka ako binalot ng mainit na yakap.

"Joke lang. Alam ko naman na patay na patay ka sa'kin," sabi niya.

Kakatapos lang namin at nandito kami sa kubo. Madilim na at nagpaalam lang ako kina Mommy at Daddy na maglalakad-lakad. Wala namang napunta sa parteng ito at kahit umaga, bihira. Ginagawa lang itong lagayan ng gamit pero sa malapit sa bahay sila lumalangoy dahil mas ligtas at mas maganda roon.

"Tulungan kitang mag-ayos ng gamit mo," sabi ko habang nakayakap siya sa akin.

"Bukas. May pasok si Mama at hindi ako papasok para makapag-ayos tayo ng gamit," sabi niya sa akin.

Tumawa ako. "Sige."

Mga kalahating oras pa kami nanatili roon bago niya ako hinatid sa likod ng bahay. Nagtext lang siya sa akin nang makauwi siya saka ako natulog nang mahimbing.

Ako:

Kakagising ko lang. Sorry. Maliligo na ako tapos pupunta na ako riyan.

Medyo late na akong nagising. May dalawang missed call na galing kay Xander at may text na naka-alis na si Tita Loisa.

Alexander:

Nagluto na ako ng breakfast. Kung gusto mo, rito ka na kumain.

Ako:

Sige. Maliligo na lang ako. See you.

Nagmadali akong mag-asikaso. Naka-suot ako ng maong shorts at white shirt na t-in-uck in ko lang. Naghalf ponytail lang ako para hindi masyadong magulo ang buhok.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora