Kabanata 52

9 0 0
                                    

Feelings.

"Nagseselos lang ako, Charlynn. Kaya wala kang dapat ipag-alala."

Hindi ko alam ang magiging sagot ko sa sinabi niya kaya hanggang sa makalabas kami ng elevator ay hindi ako nagsasalita. Hinintay niya akong makasakay ng sasakyan ko bago siya pumasok ng sarili niyang sasakyan. Gaya ng dati, hinintay niya pa munang paandarin ko ang sasakyan ko bago siya sumunod sa akin.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makalayo roon. Hindi ko man lang namalayan na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko habang magkasama kami. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko sa sinabi niya na nagseselos siya!

Kapag ako nagseselos, lumalayo ako o kaya nagwawala ako pero siya kanina... seryoso at nakatingin pa sa mga mata ko nang sabihin iyon. Paano niyang nagawa iyon? Kaya rin hindi ako nakapagsalita kasi hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kanina e.

I know now that I have feelings for Rainier pero hindi ko alam kung susugalan ko pa ba ito. I like him but it isn't that deep yet. Natatakot na akong magmahal ulit. Natatakot na akong masaktan ulit. Natatakot na akong... maubos ulit. Baka mawala ko na naman ang sarili ko at umabot na naman ng ilang taon bago ako makaahon. Kaya rin siguro pinipigilan ko rin ang sarili ko na mas magustuhan siya dahil sa mga takot ko.

He said that he likes me and He never failed to show me tha. Walang mintis ang mga ginagawa niya para lang ligawan ako. Not typical ligaw with flowers though. Pinagluluto niya ako, inaalayayan lagi sa lahat ng gagawin ko, sasamahan ako kung may mga lakad ako, at marami pang iba. That's enough for me to know that he's serious. Pero paano kung magbago rin siya? Paano kung sa una lang din siya magaling? Paano kung maubos na naman ako?

Loving Xander made me realized that it is scary whenever I gave love cause I give everything. Lahat ng kaya kong ibigay ay inaalay ko talaga. And if ever na susugalan ko si Rainier, I know that I will love him deeply.

Tuloy halos lutang ako habang nagmamaneho kaka-isip. Hanggang sa makarating ako sa condo ko ay wala na akong ibang inisip kundi ang bagay na iyon. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako naaksidente habang nagmamaneho.

Ang hirap na magtiwalang muli. Ang hirap na sumugal ulit lalo na kung malala ang pagiging talunan ko noong huling beses na sumugal ako. Hindi ko maiwasang magduda pa rin sa lahat ng bagay. Hindi ako kasing galing ni Reisha magbasa ng tao. Kung hindi isasampal sa akin ang sagot, bulag ako sa lahat. Kaya siguro naging tangang-tanga ako kay Xander kasi wala siyang sinasabi sa akin noon kundi mahal niya ako na siyang pinaniniwalaan ko kahit literal na sinasampal niya na sa akin ang pagiging red flag niya.

Nahiga ako matapos kong maligo. Ang boring ngayon. Gusto kong pumunta kina Gabriella o kina Reisha pero baka busy rin sila kaya hinayaan ko na lang sarili ko na matulog.

Gabi na nang magising ako. Ininit ko lang ang tirang ulam na nasa ref para may pagkain ako. Wala rin akong ganang lumabas kaya matapos kumain ay nanonood na lang ako ng Kdrama.

Ni hindi ko namalayan na nakatulugan ko rin ang panonood. Nagising lang ako sa sunod-sunod na tawag sa cellphone ko. It was from Rainier. Pero bakit siya tumatawag ngayong oras? Alas dos na pasado.

"Yes?" Sagot ko sa tawag.

Humikab pa ako habang kunot na kunot ang noo habang hinihintay siyang magsalita.

"Uhh, Ma'am?..."

Mas kumunot ang noo ko nang babae ang nagsalita sa kabilang linya. Tiningnan ko pa ulit kung si Rainier nga ang tumatawag pero tama naman. Who the fuck is this girl!

"Who the fuck are you?" Agresibong tanong ko. "Where is the owner of this phone?"

Napaahon na rin ako mula sa pagkakahiga. Nakapamewang na ako habang naglalakad papasok sa kwarto ko. I took the key of my car. Kung nasaan man siya, susugurin ko siya!

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now