Kabanata 7

13 0 0
                                    

Back.

Pumatak ang luha ko nang yakapin si Bella. I gave her the coffee shop. Inayos ko na ang papeles no'n at sa kaniya na inilipat ang pangalan. I told her to learn the pastries that we make. Umiyak siya habang mahigpit ang yakap sa akin.

"I'm so thankful for this, Miss Charlynn..." Umiiyak na sabi niya.

"You're welcome, Bella. You deserve this," sabi ko.

Uuwi ako ng Pilipinas. Nakaimpake na ang mga gamit ko at ang ilan ay pinadala ko na sa bahay namin sa Pontevedra. Ilang linggo kong pinag-isipan ang desisyon kong ito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung kaya ko na bang bumalik doon.

"Please, call us, Charlynn. Not because you leave Italy, you'll leave us also," ani Melissa.

Yumakap ang buong grupo sa akin. Hinatid nila ako ngayon sa airport. Hindi ko pa sinasabi kina Mommy na uuwi ako ng Pontevedra. Wala akong sinabihan. Even Reisha. Hindi ko masabi sa kaniya dahil busy siya ngayon kay Rouge lalo na't kasama niya na rin si Kuya Carlo sa bahay niya sa Palawan.

"We'll visit Philippines," sabi ni Jace.

I smiled and nodded. "You should. We have a house near a beach. I'm sure you guys would love there," nakangiting sabi ko.

"We'll miss you, Charlynn!"

Mahigpit muli nila akong niyakap. Pinunasan ni Shaina ang pisngi niya nang yakapin ko siya. Bella is also with us. Isa-isa ko silang niyakap sa huling pagkakataon bago ako kumaway at sumenyas na papasok na sa loob ng airport.

Mahaba-haba ang byahe ko kaya nagdownload ako ng sandamakmak na Kdrama na mapapanood ko habang nasa byahe. Kabado ako nang umandar ang eroplano. Kabado ako dahil alam ko na sa pagtapak ko ng Pilipinas, lahat ng alaala na ilang taon kong pilit na kinakalimutan ay babalik sa akin. Lahat ng pilit kong tinatakbuhan ay magsisimula akong habulin.

Napamahal na sa akin ang Italy. Sa ilang taon kong pananatili roon, natutunan kong mahalin ang kanilang bansa. Napabuntong-hininga ako nang makababa sa Bacolod. Pagod na pagod ako sa byahe at gusto ko na lang mahiga. Pumara ako ng taxi papuntang Pontevedra.

Hindi ako matangkad kaya naman hirap na hirap akong hatakin ang malaki kong luggage. Kung sana ay nagpasundo ako ay hindi ako ganitong nahihirapan ngayon.

"Charlynn!" Gulantang sina Ate Yolly nang makita akong pumasok ng bahay.

Hatak-hatak ng isang bagong tauhan ang luggage ko. Muntik na nga akong hindi papasukin kung hindi ko lang pinakita ang dating id ko na naka-address dito ay hindi siya maniniwala sa akin.

Hindi ba niya nakita ang sandamakmak kong litrato sa sala ng bahay?

"Ate, nandito po ba sina Mommy?" Tanong ko. "Pasensya na po. Hindi ako nagsabi kina Mommy na uuwi ako. I was planning to surprise them po."

Pinasadahan niya ako ng tingin, ilang ulit niya iyong ginawa bago siya lumapit sa akin at hinaplos ang aking braso na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya na ako ngayon.

"Nandito ka na nga! Ang saya ko!" Tuwang-tuwa pa siya at niyakap ako. "Ipaghanda niyo si Senyorita ng makakain!" Sigaw niya sa mga naka-abang na maids.

Tumawa ako. "It's okay, Ate. Pero sina Mommy po?"

"Wala sila rito e. Magkagulo kasi no'ng nakaraan sa mansyon nina Gabriella sa Cebu. Namatay ang nanay-nanayan niya no'ng nahuli kaya nandoon ang buong pamilya mo," sabi niya.

Nahilot ko ang sentido ko. Dapat ako ang magsu-surprise sa kanila e pero bakit ako ang nasurprise sa gulong nandito ngayon?

"Sige, Ate. Nasaan ang chopper?" Tanong ko.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu