Kabanata 24

7 0 0
                                    

Kubo.

Pinanood ko si Gabriella na magbitaw ng kaniyang speech. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang suot niyang sandamakmak na medal. Ang kwarto nila sa bahay ay napupuno ng medal niya dahil mula ng magsimula siyang mag-aral, achiever na talaga siya. Reisha is sitting beside me. Kakatapos lang namin sabitan ng medal para sa aming honor. Nagvi-video siya ngayon para sa speech ng aming kaibigan.

"I'm so so proud of you, Gabriella," bulong ni Reisha sa kaniyang cellphone. "Mabait pala si Tita Ayla 'no?" Bigla niyang sabi sabay tingin sa akin.

Since Rei doesn't have a parent with her, si Tita Ayla ang nagsuot sa kaniya ng medal kaya ngayon ay mangha siya sa bait nito. Kahit sino naman e. Imagine, you bullied her daughter tapos siya magsasabit ng medal sa'yo?

"Oo, Rei. How would you know e hindi ka naman nagpupunta sa bahay? I always invite you there but you don't want to. Galit ka ba kay Kuya Carlo?" Tanong ko.

Umawang ang labi niya at napakurap. "W-what?"

"Galit ka ba sa kaniya?" Ulit ko. "Kinausap ka niya no'ng na-hospital si Gab, diba? Ano bang sabi niya at galit na galit ka kay Kuya?"

Rei rolled her eyes. Binalik niya ang tingin niya sa camera niya kaya ngumuso na lang ako. Tingnan mo itong babae na 'to! Kinakausap e!

"Hayaan mo, I'll talk to him to apologiz—"

"Ewan ko sa'yo, Cha. Kung saan-saan na naman nalipad 'yang utak mo," sabi niya.

Inirapan ko na lang siya. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Gab. Sabay-sabay kaming pumalakpak nang matapos siya sa kaniyang speech. Lumapit agad siya sa amin. We took pictures together before we went to our classmates' line. Nagpirmahan kami sa uniform ng bawat isa. I don't know when this started pero nakita namin ito sa iilang seniors noon kaya no'ng grumaduate kami sa junior high ay ginawa rin namin ito.

Ngumuso ako nang makita si Xander na nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng guard house. Nakatingin siya sa akin kaya kumaway ako. Busy ang lahat ng tao kaya mabilis akong lumapit sa kaniya at hinatak siya sa likod ng isang school building.

"Nandito sina Mommy," sabi ko.

Tumawa siya at tumango. "Kaya nga pinagmamasdan na lang kita e. Hindi ako pwedeng lumapit," sagot niya.

"It's okay. Hindi naman mahigp—"

"Saka na ako magpapakilala kapag may napatunayan na ako, Cha," aniya.

Ngumuso na lang ako. Pinakita ko sa kaniya ang medal ko kaya ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Namula ang pisngi ko sa simpleng bagay na ginawa niyang iyon.

"I'm so proud of you," halos bulong niyang sabi.

"Thank you," nakangiting sagot ko.

"May celebration sa inyo?"

Umiling ako. "Magpaparty kami mamaya sa bar. Punta ka, ha? Wala namang makakakita sa atin doon dahil maraming tao kaya pumunta ka. Hihintayin kita," bulong ko.

"Pupunta talaga ako. Babakuran kita roon," aniya na ikinatuwa ko.

Rei told us that she's saving because she doesn't have money but she managed to rent the entire bar for us to celebrate. Naguguluhan na talaga ako sa babae na ito e. Sinasabi niya pa na may sugar daddy siya. Sino namang tanga ang maniniwala sa sinasabi niyang iyon e halata namang mayaman siya!

"Mommy, sa bar lang naman kami malapit sa school mag-iinom."

Halos maglumpasay ako sa harap ni Mommy. Ayaw niya akong payagan na umalis. Umuwi kami matapos ang ceremony sa school. Pwede naman daw na rito na lang kami magparty para mabantayan kami pero ayaw ko. Nandito kaya sina Kuya Cartier and Kuya Carlo.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now