Kabanata 20

6 0 0
                                    

Text.

As the time goes by, hindi ko na napapansin na mas napapalapit na pala kami nina Gabriella at Reisha sa isa't isa. Para kaming triplets na hindi mapapaghiwalay. Wherever we go, magkakasama kami.

"How do you want to celebrate your debut, Rei?" Tanong ko sa kaibigan habang nakadapa kami sa kaniyang kama.

Natigil siya sa pags-sketch ng kung ano sa kaniyang iPad saka ako binalingan. Tumingin pa sa taas na para bang iniisip nang maayos ang plano niya.

"Gusto ko sanang mag-celebrate sa isang beach," aniya. "Kaso baka hindi kayo payagan," nakanguso niyang sagot.

Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Magkalapit lang ang birthday namin. If her debut will be celebrated on a beach, gusto kong gano'n din ang sa akin. For some reason, Reisha always have her excuses whenever I want her to visit our house. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil natatakot siya kay Kuya Carlo since nakausap niya iyon no'ng inaway niya si Gabriella noon.

"I'll do something about that. Kakausapin ko si Mommy," sagot ko.

"Kausapin mo rin si Mama, Cha," nakangusong sabi ni Gabriella sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Bumaling ako kay Reisha na tila nabigyan ng sigla dahil sa sinabi ko.

"I'm surprised na hindi mo gusto ng big celebration," pang-aasar ko sa kaniya.

"I only have two friends. Sinong i-invite ko?" Sarkastikong tanong niya sa akin.

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Pabiro niya akong hinampas bago muling tumutok sa kaniyang iPad. She typed something on it habang ako naman ay nagbabasa ng libro ni Gabriella na naiwan niya rito no'ng nakaraan.

"Look at this resort in Palawan..." Naagaw ni Reisha ang atensyon ko nang bigla siyang magsalita.

Tinutok niya ang kaniyang iPad sa harap namin ni Gab. Binasa ko ang ilang details sa baba na katabi ng view ng resort. Sa Palawan iyon at halatang mamahalin. I won't be surprised if Reisha will tell us that their family is one of the big empires here in the Philippines. She has a taste in a place like this.

"Maganda naman. Diyan ba tayo pupunta?" Tanong ni Gabriella.

She nodded. "Gusto ko sana pero mukhang maraming kailangan kapag nagcheck-in," sagot ni Rei.

I smirked. "Leave it on me. Ako ang bahala sa pagcheck-in," natatawang sagot ko.

Kuya Carlo is still around. Pwede kong ipakiusap sa kaniya na ayusin ang reservation namin doon kapag pinayagan na kami nina Mommy at Tita Ayla. Kuya Carlo is not strict unlike our older brother, Kuya Cartier, kaya madali siyang pakiusapan sa mga ganitong bagay. All I need to do is assure him that I'll behave on that place.

"It's almost your debut, Charlynn. Hindi ka pa nagpa-plan?"

Natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Mommy. Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ko dahil itong topic na ito ang hinihintay kong pag-usapan namin.

"We should prepare your gowns na, Hija," dugtong pa ni Mommy.

I shifted on my seat. Mukhang napansin ni Kuya ang pagiging balisa ko dahil tiningnan niya ako. I just smiled at him bago ako tumingin kay Mommy na naghihintay ng sagot ko.

"Mom, kasi..."

I cleared my throat. Saglit na yumuko bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya.

"I don't want to have an extravagant party for my debut," sabi ko.

Kita ko ang pagkakaalarma ni Mommy sa sinabi ko kaya agad akong magsalita.

"Gusto ko po sanang i-celebrate lang with my friends," sagot ko.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now