Kabanata 27

6 0 0
                                    

Less.

"Anak, naman. Ngayon lang kami ulit lumuwas ng Daddy mo tapos hindi ka pa namin makakasama?" Halos umiyak si Mommy sa kabilang linya.

"Mommy, magkikita naman tayo bukas e," sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Dumalaw ka naman dito sa bahay sa Quezon City. Isama mo sina Gabriella at Reisha," ani Mommy.

Ako naman ngayon ang bumuntong-hininga. "Mommy, naman! Alam mo namang busy sila."

"Oo nga. At ikaw ay hindi busy kaya umuwi ka muna rito, Charlynn. Miss ka na ng Daddy mo," madramang sabi ni Mommy.

Napailing na lang ako at hinilot ang aking sentido. Bukas ay birthday ni Kuya Cartier. Last minute na nag-asikaso sina Mommy at sobrang biglaan ang pagdating nila rito. Tapos ngayon ay pinipilit niya akong doon matulog sa bahay sa Quezon City.

"Mommy, bukas na, please? I promise you that I'll go there early. Pagod na pagod pa po ako sa school," pagdadahilan ko.

Nakahiga sa tabi ko si Xander. Nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ni Mommy habang nilalaro ang daliri ko.

"Okay..." Sumuko na si Mommy. "Sige na at magpahinga ka. Agahan niyo ng mga kaibigan mo bukas," aniya.

Tumango na lang ako. "Yes, Mommy. I love you."

"I love you more, Princess."

Binaba niya ang tawag kaya inilapag ko na ang phone ko. Umayos ako ng pagkakahiga saka ako sumiksik sa dibdib ni Xander. Totoong pagod ako sa school pero mas nakakapagod ang ginawa namin. We explored so many positions and I like it even though it was a bit uncomfortable.

Magkaklase kami ni Xander pero hindi kami madalas mag-usap doon. Hindi niya rin naman kasi ako kinakausap kaya baka gusto niyang ilihim ang kung anong mayro'n sa amin kaya inirerespeto ko iyon. Nagkikita na lang kami rito sa apartment niya at dito maglalandian kapag uwian na.

"Uuwi ka na?" Bulong niya sa akin.

Umiling ako kahit na alam kong kailangan kong umuwi. I just can't get enough of him. Each day that passed, mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Not because of pleasure, okay?

"You need to go home. Tomorrow is your brother's birthday," marahan niyang bulong.

"Can't I just stay here?" Maarte kong reklamo.

Tumawa siya bago inayos ang buhok ko. "Of course, you can. But, you have plans tomorrow."

Tumingin ako sa kaniya at ngumuso. Pinatakan niya ng halik ang labi ko kaya napangiti ako. Charlynn Andrea is going crazy over Alexander Louis.

"Sumama ka na kasi. I'm sure Mommy wouldn't mind if we're dating," sabi ko.

Umiling siya. "Next time, Cha."

"Kailan? Kapag hiwalay na tayo!" Alma ko.

"Of course not! We will not break up, okay?" Marahas niyang sabi.

Ngumuso ako. Sabagay. Paano nga naman pala kami maghihiwalay e hindi naman kami? Ang tawag sa relasyon namin ay m.u o magulong ugnayan.

"Saka na kapag may sinabi na ako sa buhay, Cha. Kapag kaya na kitang buhayin," aniya.

"Patay ba ako?" Natatawang tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at umiling. Maya-maya ay kiniliti niya ang bewang ko kaya nagpumiglas ako. Ilang oras pa kaming nanatili sa gano'n. Alas onse na ng gabi nang ihatid niya ako sa bahay. Hindi nga sana ako magpapahatid pero hindi raw siya mapapanatag kapag hindi nakitang ligtas ako na nakauwi.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now