Kabanata 16

8 0 0
                                    

Ointment.

Those memories were precious to me. The way he always get irritated whenever I'm near. The way he always furrows his eyebrows whenever he see me. Alexander is just so precious to me. Kahit gano'n na simpleng bagay lang ang ginagawa niya sa akin, iba na agad ang epekto no'n sa akin.

I somehow still felt the kilig kahit na mainit ang ulo ko sa kaniya after that incident. I couldn't stop myself to notice the difference between the two of us. Masyadong magaspang ang kamay niya para sa malambot kong balat. Mas maputi ako sa kaniya. Matangkad siya at hanggang dibdib niya lang ako.

Kung matangkad lang ako, baka hinalikan ko na siya tuwing inaaway niya ako!

Bumalik lang ako sa katinuan nang buksan niya ang isang silid. Agad na yumakap sa akin ang lamig galing sa aircon. Dalawa lang ang aircon dito sa farm. Ang opisina namin, at ang opisina ni Tita Loida. She works as our farm's secretary. Namatay raw sa aksidente ang tatay ni Alexander. Trabahador din daw namin iyon noon sabi ni Mommy. Hindi ko alam ang buong detalye at hindi ko na rin tinanong pa because of respect.

"Oh? Xander?" Gulat na sabi ni Tita Loida nang makita ang anak.

Ngumiti ako nang mapunta sa akin ang atensyon niya.

"G-good afternoon, Tita..." I greeted.

Binalik niyang muna ang tingin sa anak bago binalik sa akin ang kaniyang tingin. "Charlynn, Hija. Anong ginagawa mo rito?" Kumunot ang noo niya nang balingan ang kamay ko na hawak ng kaniyang anak. "Anong nangyari sa'yo?"

"Where's your first aid, Ma?" Tanong ni Alexander bago ako sinenyasang maupo sa maliit na sofa roon.

Hindi naman na dumudugo ang sugat ko. Natuyo lang ang dugo at iyon ang nakita ni Tita Loida. Naupo ako sa sofa habang si Alexander ay nakatayo sa harap ko, hinihintay ang kaniyang ina.

"I'm fine, Tita. Natusok lang po sa pinya kanina," sagot ko.

"Ako na ang kukuha, Xander," ani Tita Loida nang makatayo.

Namewang sa harap ko si Alexander. Madilim ang tingin niya sa akin kaya pasimple ko siyang inirapan. What? Nagdudugo na't lahat ang palad ko, nagagawa niya pa rin akong sungitan?

"Nako!" Nag-aalalang sabi niya nang tumayo. "Bakit ka ba kasi natusok?" Tanong niya pa habang naglalakad papunta sa sulok ng silid kung saan siguro nakalagay ang first aid kit.

"I helped the workers po," nakangiting sagot ko.

Hindi ko pagsisisihan na tumulong ako sa kanila kanina. It was a great experience. Hindi naman kasi kami nagkakausap ng mga trabahador kapag may party sa bahay.

"At bakit kailangan mo pa silang tulungan? You're not a worker here. Ikaw ang boss namin," singhal naman ni Alexander sa tapat ko.

Ngumuso ako at umirap.

"Xander!" Mariing saway ni Tita sa kaniya.

Kinuha ni Alexander ang kit sa kamay ni Tita Loida. Lumuhod siya sa harapan ko at mariing hinawakan ang kamay ko kaya inilag ko iyon sa kaniya.

"Ako na," sabi ko.

"Ako na," mariin niyang sagot.

Mariin ang tingin niya sa akin nang balingan ko siya. Sinuklian ko rin siya ng masamang tingin.

"Ako na lang, Xander..." Sabi ni Tita Loida. "Bakit ba mukhang mainit ang dugo niyo sa isa't isa?" Tanong pa nito.

Binitawan ako ng anak niya kaya muling nasa lalaking iyon ang aking atensyon. Hindi niya na ako binalingan at diretso lang ang lakad palabas ng opisina kaya napairap ako.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now