Kabanata 13

8 1 0
                                    

Anger.

Alexander is the highlight of my entire years. I like him so much. Noon pa mang bata pa ako. Noon pa man nang magsimula akong magkaroon ng kaalaman sa buhay. Noon pa mang hindi niya ako pinapansin. Noon pa mang isa lamang akong spoiled brat sa paningin niya.

Alexander Louis Zamora is loved by everyone here in Pontevedra. Gwapo, matalino, masipag, mabait, matulungin, at bukod doon, responsable. I still remember the first fight we shared together.

"Kuya, I want to go to the farm po," sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa loob ng sasakyan.

Gabriella was sick and wasn't able to attend our class for today. Gusto ko rin sanang umabsent kanina dahil wala siya pero hindi ako pinayagan ni Tita Ayla. I wanted to stay pa naman by her side since I feel like it was my fault that she got sick. Pinaligo ko ba naman sa ulan e. Hindi pa naman sanay ang katawan niya roon kaya guilty na guilty talaga ako kanina.

"Huh? Pero, Charlynn, wala naman doon si Ma'am Anna," sagot ni Kuya Leo na bumaling pa sa akin.

"I just want to visit, Kuya. Saglit lang naman po," pagpupumilit ko pa habang nakanguso.

Hindi ako nakakapunta sa farm tuwing kasama ko si Gabriella kaya ngayon na absent siya, nagkaroon ako ng pagkakataon na dumalaw roon. Hindi ko rin kasi alam ang idadahilan sa kaniya kung sakaling magtanong siya kung bakit kami papasyal sa farm.

Bumuntong-hininga si Kuya Leo saka marahang tumango. "Sige pero saglit lang tayo, ha? Baka mapagalitan ako ni Ma'am Ana."

Gumuhit ang masayang ngiti sa aking labi. Tumango ako sa kaniya. "Opo, Kuya."

Nakangiti ako habang tinatahak namin ang daan papunta sa aming farm. Nakasalubong ko pa ang ilan kong schoolmates na naglalakad habang nagtatawanan. I never experienced it. Noong nagsimula akong mag-aral ay hatid-sundo na ako ng sasakyan. Saglit tuloy na nawala ang tuwa sa akin nang maramdaman ang kaunting inggit sa kanila.

Bumalik lang ang sigla ko nang makitang pumasok na ang sinasakyan namin sa loob ng farm. Ang farm na pag-aari ng pamilya ko ay ang pinakamalawak sa buong Pontevedra. Maraming tanim doon na pinadadala nila sa Manila at sa iba pang city sa bansa para ibenta. Maraming tauhan ang farm kaya hindi rin kailangang tutukan unless harvest month.

Mommy told me na ako ang gusto niyang magmanage ng farm kapag tumanda na ako. Mas gusto kasi ng dalawa kong kapatid na lalaki ang buhay sa Manila at walang hilig sa farm. Si Kuya Carlo lang ang nakikita kong mahilig sa farm o baka dahil pinapakiusapan lang siya ni Mommy na tulungan siya? Sa kanilang dalawa pa naman ni Kuya Cartier, si Kuya Carlo ang hindi nakakatiis kay Mommy.

The farm is actually my mom's property. Noon ay kalahati lang ito na pagmamay-ari ng pamilya nina Mommy habang ang kalahati naman ay sa pamilya ni Daddy. Noong nalaman ng magulang ni Daddy na magka-relasyon sila ni Mommy, iniregalo nila ang lupain nila kay Mommy kaya ito napunta nang buo sa pangalan ni Mommy ngayon.

It was actually a funny story that I always love to hear whenever they do flashbacks back on their younger years. It was actually a love that everyone can wish, including me.

Don't get me wrong, I'm not into material things. I don't mean that love is about gift giving. I just love the way that their families reacted when they learned about their relationship. It was so hard to find an in-laws with a good heart, lalo na ngayong panahon.

Inilapag ko lang ang gamit ko bago ako bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa farm. Nakita ko ang malawak na sakahan at napahinto pa ang mga tauhan para lang bumati sa akin. Ngumiti ako sa kanila habang pinapalibot ang tingin ko sa paligid.

I smiled on the thought that this property is once divided in half. My mother told me that she met Daddy back when she's in college here in Pontevedra. Daddy just took a vacation here but when he was introduced to my mother, dito siya nag-aral. After months of dating, Mommy broke up with him dahil sa simpleng misunderstanding daw. Mommy then left Pontevedra to study in Manila. After finishing college, Daddy searched for Mommy and he never let her go again.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now