Kabanata 2

11 0 0
                                    

Soup.

"I didn't know that you dance well, Charlynn!"

Nagtawanan kami sa sinabi ni Marco. Inirapan ko siya. Nilagok ko ang alak na nasa tapat ko. Kumalma na ang bar dahil slow music na ang tugtog. May mga nagsasayawan na mukhang magjowa o ang iilan ay naglandian lang dito sa bar.

"Every Filipinos can dance when they're drank, Marco," natatawang sabi ni Jace.

Humalakhak ako roon. Akala ko ay magbabalak pa silang sumayaw nang mapalitan na naman ang kanta sa stage pero nagkamali ako. Mukhang balak nilang maglasing dahil sunod-sunod ang pag-inom nila ng alak. Wala rin tuloy akong magawa kundi ang sabayan sila.

"Palagay ng phone ko sa purse mo," bulong ni Rainier sa akin.

Iniabot ko sa kaniya ang purse ko. Binuksan niya iyon at inilagay ang kaniyang phone at wallet. Siya na rin ang naghawak no'n kaya malaya na akong nakagalaw. Kanina kasi ay inaalala ko na baka mawala ko na naman ang gamit ko.

Back in Philippines, si Gabriella ang naghahawak ng gamit ko dahil madalas kong ma-misplace kapag lasing na ako. Si Reisha naman, she can handle herself. Ako lang yata ang alagain sa aming tatlo.

I missed them so much. Nilagok ko ang panibagong alak nang makaramdam ako ng pait. All my life, I've been surrounded by them, by my family. Hindi ko akalain na darating ang araw na pipiliin kong lumayo sa kanila.

My family is the reason why Tita Ayla, Gabriella's mother died. My father tried to keep it as a secret but failed. Kuya Cartier failed his relationship with my best friend, same as Kuya Carlo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa relasyon nila. Hindi ko alam na habang busy ako sa sarili kong puso, nadudurog na rin pala sila. Akala ko ayos lang sila kaya mas inuna ko ang sarili ko. Nagkamali yata ako.

I love my family but I know that they did something wrong. Maling-mali ang ginawa nila sa pamilya ni Gabriella. If I were Gabriella, I won't forgive them. Ang hirap tanggapin na magagawa nila iyon. Tita Ayla has been with us since the beginning. Sabay na rin kaming lumaki ni Gabriella kaya ang malaman na may kinalaman sila sa pagkakamatay ni Tita Ayla ay sobrang sakit. I didn't know that they have the capability to do something like that.

Muli kong ininom ang alak na sinalin para sa akin ni Melissa. Nagtatawanan sila dahil sa nagsasayawan pero wala roon ang atensyon ko.

I felt sorry for Reisha because I left her. Nang mawala si Gabriella, alam kong nasasaktan din siya pero hindi niya masabi dahil iniiyakan ko si Xander. Hindi ko rin alam kung paano ko siyang nagawang iwan. Rei is such a strong woman but I didn't know what happened why she chose to left Manila as well. Isa lang ang sigurado ako, iwan man kami o hindi ni Gabriella, aalis ako ng bansa. Hindi ko kayang mabuhay sa bansa kung saan alam kong nandoon ang lalaking sumira sa akin.

Takot akong makita siya dahil alam kong hahabulin ko siya. Hindi ko kayang maisip na magkikita kami dahil alam kong magmamakaawa ako sa kaniya para tanggapin ako kahit ilang beses niya pa akong itaboy. I've been in love with Xander ever since I was a kid. Namulat akong siya na ang gusto ko. Kaya hindi ko akalain na darating kami sa punto na maghihiwalay. Akala ko kasi ay kami na. Akala ko kasi ay siya na.

"Are you okay?"

Bumalik ako sa reyalidad nang bulungan ako ni Rainier. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ako makangiti o makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya na bahagyang nakayuko para matingnan nang mabuti ang mukha ko.

"Are you okay?" Ulit niya. "Tumahimik ka kasi."

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. Kung ako si Charlynn noon, pakiramdam ko magkakagusto ako kay Rainier. He's a good guy. Madalas mang-asar pero gentleman. He knows how to please everyone. He's friendly, almost a social butterfly. Mabilis niyang nakuha ang loob ng mga kaibigan ko rito sa Italy.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now