Kabanata 33

10 0 0
                                    

Happiness.

Hinawakan ni Xander ang bewang ko nang makapasok ako sa kaniyang apartment. Humalik ako sa labi niya habang siya ay titig na titig sa akin.

"Thank you!"

Lasing na lasing ako no'ng nag-inuman kami nina Rei. I wasn't able to move for a day reason why I didn't finish my project. Luckily, he did it and I was able to passed it on our professor.

"Mabuti na lang iniwan mo 'yon dito," aniya.

Hinatak niya ako papasok ng apartment. Kinuha niya ang gamit ko saka iyon inilagay sa lamesa.

Ngumuso ako. "Akala ko kasi kakayanin kong kumilos pero hindi pala. Ang lala ng hangover ko," sabi ko saka naupo sa sofa.

Naupo siya sa tabi ko at tinuon ang buong atensyon sa akin. Umuwi kami ng halos alas sais na ng umaga. If the bar didn't close, I'm sure that we'll not go back home. Lahat kami ay lasing pero si Gabriella ang pinaka-matino. Hindi naman kasi siya masyadong uminom. Kami ni Rei ay talagang nakisali sa mga tao. Mabuti nga at walang inaway si Rei.

"Balak din kasi natin na magkita, diba? Masyado lang kaming nalibang," sabi ko.

"It's okay. Tumawag si Mama sa akin kanina. Kinukumusta ka," aniya.

Tumango ako. Magmula nang makauwi kami ni Xander dito sa Manila, she will always text me and ask me how am I doing. Minsan pa nga siyang tumawag sa akin dahil hindi niya raw ma-contact ang anak niya.

She didn't know what happened to Xander and I. She doesn't even know about Xander's work and I don't want to meddle with his life. I am starting to trust him again kasi nakikita ko naman na nagbabago na siya. Mahal ko rin siya. Hindi ko kaya na mawala siya and I hope that this time, he'll really stop with his bad habits.

Tita Loisa told me that Xander loves me. No'ng gabi raw na umuwi si Xander naikwento niya ang tungkol sa babaeng gusto niya. He didn't mention my name at first. Tita Loisa told me that she asked Xander if he's happy and he answered that he is. He's super happy with his relationship and that he loves me a lot. Then, he mentioned my name.

Akala pa nga raw ni Tita Loisa ay nagbibiro lang siya dahil imposible raw iyon. Madalas niya raw makita na lagi kaming nag-aaway noon kaya imposible na magkaroon kami ng relasyon.

I told her that I've always been in love with Xander. Masungit lang talaga ang anak niya. Mabuti nga at nakuha ko na siya ngayon e.

"Anong plano mo sa birthday mo?"

Nilaro niya ang buhok ko. Nakahiga ako sa hita niya habang naglalaro ng clash of clans sa aking cellphone.

Tumingin ako sa kaniya at nagkibit-balikat. "Ewan ko. Labas na lang tayo," sabi ko.

"Hindi ka uuwi ng Pontevedra?"

Umiling ako. "Uuwi ka ba?"

"Kung ano ang plano mo, 'yon ang susundin ko, Charlynn. Dito na lang tayo," sabi ni Xander.

Pabiro ko siyang inirapan kaya natawa siya. Pinisil niya pa ang ilong ko. He's always like this back then. I'm glad that he's back with me again. I'm glad that the man that I love came back. Mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. This will sound that I'm overreacting but I think I'll lose myself completely.

"Sige. Magluto na lang tayo at gumala," sabi ko.

Plinano na namin ang magiging ganap namin sa birthday ko pero mukhang mauudlot agad iyon. Nag-impake ako ng gamit ko habang nakatingin sa screen ng aking laptop.

"Babyahe na rin kami," sabi ko kay Xander.

Ngumuso siya. "Sorry. Emergency kasi e," aniya.

Tumango ako. May trabaho siya na kailangang asikasuhin sa New York kaya ngayon ay nag-aayos siya ng gamit. Nalaman ko kay Gabriella na nasa New York din si Rei kaya nagkaroon ako ng dahilan para sumunod kay Xander.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now