Kabanata 30

7 0 0
                                    

Save.

Halos hindi ako makatulog no'ng gabing iyon. Hindi ako mapakali sa higaan ko at talagang pina-practice ko ang mga sasabihin ko.

Yes, I already know Tita Loisa. She already knew me as well but this one is different. Pinakilala ako ni Xander sa kaniya bilang ano?

Hindi ko alam kung paano niyang sinabi kung anong relasyon namin. Hindi ko alam kung anong termino ang pakilala niya sa akin kay Tita Loisa. Though, I know that he won't talk shit about me. I'm just genuinely curious.

Kahit late na akong nakatulog, maaga pa rin akong nagising. Hindi ko alam kung excited ba ako, kabado, o ano basta ang alam ko lang ay haharap ako sa Mama ng lalaking mahal ko.

Nagpahanda ako kay Tita Ayla ng Lasagna para dalhin kina Xander. Nagpahanda rin ako ng cake sa isa pa naming cook. Nasa kusina ako, nanonood kay Tita Ayla. Si Gabriella raw ay napuyat kagabi dahil may kausap sa cellphone.

"Aalis kami mamaya ni Gabriella, Charlynn. Mabuti na lang at maaga mo itong ipinaasikaso. Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Tita Ayla habang naka-salumbaba ako sa countertop.

Kinagat ko ang labi ko. "S-sa farm lang po..." Hilaw akong ngumiti. "Saan po kayo pupunta ni Gab?" Pagbabago ko ng usapan.

"Sa La Castellana. Ayaw mo bang sumama? Isama mo na rin si Reisha."

Umiling ako sa sinabi ni Tita. "Hindi na po, Tita. Bonding niyo po ni Gab 'yan e."

Tumawa si Tita Ayla at nilingon ako. "Para ko na rin kayong anak, Cha."

I smiled at her. Gusto kong sumama pero bukod sa may lakad ako, ito lang ang isa sa mga panahon na magbo-bonding sila ni Gab. Matagal silang hindi nagkasama kaya alam kong nangungulila sila sa isa't isa. Hindi pa naman sila sanay na magkahiwalay.

"Hindi na po talaga, Tita, pero itatanong ko po si Rei kung gusto niyang sumama sa inyo. Bibisita po kasi ako sa f-farm."

"Nasaan ba si Reisha? Nasa kaniyang bahay?"

Tumango ako. "Nako, Tita. Hindi 'yon lumalabas dito pero sa Manila ay halos hindi na umuwi sa bahay."

"Syempre ay nagmomodelo siya, Hija."

"Sabagay po," tumango-tango pa ako.

Nagpaalam ako kay Tita Ayla para maligo. Simple ang sinuot ko. Baby pink dress lang na hanggang itaas ng aking tuhod. Kinulot ko lang ang baba ng hanggang balikat kong buhok kaya medyo mas maikli iyong tingnan.

Mabilis akong umalis ng bahay nang makita kong nakaayos na ang mga dadalhin ko. Nakahanda na rin ang sasakyan nang lumabas ako pero tinanggihan ko iyon. Baka malaman pa nila Mommy na kina Xander ako pumunta e.

I know that my parents aren't mata-pobre. But, I'm sure that they will get mad because I haven't said anything about Xander. Ayaw nilang naglilihim ako. Honestly, I want them to meet Xander properly pero ayaw ko ring pangunahan si Xander. I will follow what pace he wants. Ayaw ko siyang madaliin. Ayaw ko siyang ma-pressure.

"Charlynn, nako nandito ka na pala!" Halos mataranta si Tita Loisa nang pagbuksan ako ng pintuan. "Xander, bakit hindi mo sinundo si Cha!" Sigaw ni Tita Ayla sa loob ng bahay. "Pumasok ka, Hija!"

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan akong pumasok. Tarantang-taranta siya na para bang mababasag ako kapag binitawan niya ako.

"Good morning, Tita. Pasensya na po ito lang ang nadala ko," sabi ko sabay abot ng mga pagkain na ipinahanda ko.

"Nako, dapat ay hindi ka na nagdala. Nagluto ako ng pagkain para sa atin," sabi ni Tita. "Ilalagay ko muna sa kusina itong dala mo. Maupo ka muna..." Kinuha niya ang paper bag na hawak ko. "Alexander!"

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang