Kabanata 29

10 0 0
                                    

Happy.

"Mabuti naman at naisipan mong lumuwas dito, Charlynn. Akala ko ay kailangan ko munang maghingalo bago ka dumalaw rito sa amin ni Daddy mo," eksaheradang sabi ni Mommy nang makita akong pumasok ng sala.

Nakatayo siya at halatang hinihintay ako. Si Daddy sa gilid niya ay naiiling na lang. Umirap ako saka humalik sa kaniyang pisngi, gano'n din ang ginawa ko kay Daddy.

Sembreak namin ngayon. We are supposed to go to Boracay pero si Gabriella ay nangako raw kay Tita Ayla kaya sumama na lang kami sa kaniya ni Rei. Wala rin naman kaming gagawin doon bukod sa gumimik.

"Don't be so oa, Mommy. Kakakakita lang natin no'ng birthday ni Kuya," sagot ko.

"Oo at umuwi ka kaagad," pinanlakihan ako ng mga mata ni Mommy.

Napaiwas ako ng tingin. Ilang beses niya na akong sinermunan tungkol sa biglaang pag-alis ko pero hanggang ngayon ay paulit-ulit niya pa rin iyong sinasabi.

"Nakipagtalo ka pa kay Harold. Iyan tuloy at maaga rin siyang umuwi," umiling si Mommy, tila dismayado.

Napairap ako. Pang-isang daan na rin yata niya itong sinabi sa akin.

"Mali naman kasi talaga ang sinabi ni Harold, Ma..." Sabi ni Daddy na tumingin pa sa akin at tumango. "Give your daughter a break. Umakyat ka na sa taas at magpahinga. Ipapatawag kita kung kakain na," ani Daddy.

Tumango ako. "Magpapahinga lang ako, Dad. Lalangoy kami mamaya nina Gabriella at Rei."

That's the purpose of Rei and I's visit here. Si Gabriella ay makikisali lang pero gusto niya talagang i-bonding si Tita Ayla.

"You're with Rei?" Kunot-noong tanong ni Mommy.

Tiningnan ko siya. Why is she always excited about Rei? Kung may number one fan si Rei, I'm sure it will be Mommy! Kapag binabanggit ko ba naman kasi si Rei, laging nakinang ang mata niya.

"Oo, Mommy. Why? You're always curious about her," I pointed out.

Nanlaki ang mga mata ni Mommy saka ako kunot-noong tiningnan. "Where's your Kuya Carlo?"

Napataas ako ng kilay sa biglaan niyang pagbabago ng topic. "I don't know, Mommy. Maybe in the Manila. What's with the sudden change of topic?"

Umiling si Mommy. "Magpapahanda ako para sa pagkain niyong tatlo. Ano bang gusto mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Anything will do, Mommy. But please, prepare a champagne."

"Champagne, anak?" Alma ni Mommy.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Daddy. "Ma, matanda na si Charlynn. Hayaan mo na sila ng mga barkada niya..." Pangsasalo ni Daddy sa akin. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Champagne lang ba? Mamili ka na lang sa wine cellar. May champagne section doon," ani Daddy.

"I can't believe you, Pa!" Madramang sabi ni Mommy. "You are always spoiling your daughter."

Halos umirap ako. Lumapit ako kay Daddy at yumakap sa kaniyang braso. "Daddy, diba ngayon na lang ako umuwi rito? And besides, diyan lang naman kami sa dalampasigan," sagot ko.

Tumango si Daddy sa akin. "Trina, kuhanin ang susi para sa wine cellar. Kukuha si Charlynn ng maiinom nila."

"Carlos!" Sigaw ni Mommy.

"Thanks, Daddy!" Humalik ako sa kaniya bago nagmamadaling umakyat ng hagdan.

Narinig ko pa ang pagsuyo ni Daddy kay Mommy, natawa na lang ako. My room is still the same. Kung paano ko siyang iniwan, gano'n pa rin ang ayos niya.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now