Kabanata 36

7 0 0
                                    

Boyfriend.

I sat quietly beside Gabriella. Kakarating lang ni Tita Ayla sa hall kung saan siya ibuburol. Maingay ang paligid dahil sa rami ng mga nakilamay. Almost all of the people in Pontevedra is here with us.

Hinilot ko ang sentido ko dahil nahihilo na naman ako. Sumandal ako at pilit na kinakalma ang sarili ko. Hinimas ko ang tiyan ko at mariing pumikit.

Baby, pagod ka na ba? Sorry, Tita Gab needs us. Magpapahinga tayo later. Hang in there.

"Nakikiramay kami, Gabriella..."

Bumalik ako sa katinuan nang may magsalita sa tapat namin. Yumakap si Giselle kay Gab.

"Susunod daw rito ang iba nating classmates."

Tumango si Gabriella at hindi na nagsalita. I held Gab's hand before looking at Giselle. "Bawal daw magthank you," sagot ko at tipid na ngumitj.

Mahina siyang tumawa at tumango. "Susunduin ko muna ang iba. Pupunta rin sila rito," paalam niya. "Nauna lang talaga ako kasi nadaanan ko."

"Sige, Giselle. Hihintayin namin kayo," ako na ang sumagot no'n.

Gabriella is looking at Tita Ayla. Ni hindi niya na inaalis ang tingin niya roon mula pa kanina. Tahimik lang siya. Ni hindi na rin umiiyak pa which is more alarming.

Nakaupo kami sa pinaka-unahang row. Some of the farmer's workers are seating on a table on the left side, including Tita Loisa. Bumati na ako sa kaniya kanina. Hindi pa nagrereply sa akin si Xander pero nasabi ko na sa kaniya na nandito kami sa Pontevedra.

Daddy is with some of the workers. May inuutos sila roon at tinuturo ang iilang hindi pa naaayos na lamesa at mga upuan. Tumango siya sa mga iyon bago lumabas ng hall.

Everyone is chatting and murmuring about how kind Tita Ayla is. Some of them are her friends and some are not. Kapag talaga mabait ka sa mga tao, mamahalin ka nila nang hindi mo inaasahan.

I took my phone out when it vibrated.

Rei:

Almost there, Cha. Wait for me outside, please? Marami bang tao?

Ako:

Puro taga-Pontevedra lang. Sige hintayin kita sa labas.

The entire hall became silent when Kuya Cartier walked to Gabriella. Lumuhod siya at marahang hinawakan ang kamay ng kaibigan ko.

"I'm sorry, Gab," he said.

His eyes were filled with sadness. Pumikit siya habang nasa labi ang kamay ng kaibigan ko. Sa tagal ni Gabriella na nakatitig lang kay Tita Ayla, she finally looked away only to look at my brother. Kumalma na siya kanina. Hindi na rin siya umiiyak kahit na no'ng ipasok si Tita Ayla.

But then, her tears slowly formed and escaped when he looked at my brother. Hinawakan ni Kuya Cartier ang pisngi niya at marahan na pinunasan iyon. He then hugged Gabriella, not minding all the people's attention.

Suminghap ako nang malakas na humagulgol si Gabriella. Tuluyang pumatak na rin ang luha ko nang marinig siya. Some of the people inside the hall are also crying. Nadala sa hagulgol ni Gabriella.

Hinaplos ni Kuya ang buhok niya. Gabriella is just crying and holding her dear life on my brother's shirt.

"Si M-Mama na lang ang mayroon a-ako. Hindi k-ko matanggap," aniya.

Tumango si Kuya. Maingat na inaalo ang kaibigan ko. I signalled Kuya that I'll go out to check on Rei. He nodded. I tapped Gab's shoulder before I went out. Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now