Kabanata 5

12 0 0
                                    

Lasagna.

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Namatay ito saglit pero tumunog ulit. Inis ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Charlynn!"

Napadilat ako sa malakas na boses ni Kuya Carlo. Kinailangan ko pang ilayo sa tainga ko ang cellphone ko para masiguradong siya nga ang tumatawag.

"I need you to be honest to me..."

Kinabahan ako sa tono ng boses niya. Pakiramdam ko alam ko ang itatanong niya pero bakit ngayon lang ulit kung kailan regular na ang pag-uusap namin ni Rei? Nata-tap niya kaya ang phone ko? Pero imposible naman iyon.

"Do you know where Reisha is?"

Nalaglag ang panga ko sa tinanong niya. Hindi ko alam kung bakit ito ang biglaang tanong niya. Hindi na niya tinatanong sa akin si Rei dahil alam niyang wala kaming communication. Tatawag lang siya sa akin kapag nangungumusta o kapag naglalagay siya ng pera sa bank account ko.

"Kuya, naman. Alam mo namang hindi ko alam. Maski sa akin ay hindi tumataw—"

"Don't fuck with me, Charlynn. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling o hindi," sabi niya.

"Kuya, I don't know nga!" Paninindigan ko. "Bakit ba? Ano bang nangyari? Akala ko ba ay hinahanap mo. Halos dalawang taon na, hindi mo pa rin nakikita!"

"Open your social media account," aniya. "Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin, lagot ka sa akin!"

"You! Hindi mo ako kinukumusta tapos ganiyan pa ibubungad mo! I hate you!" Sigaw ko bago ibaba ang tawag.

Nakakairita. Sinubukan niya akong tawagan ulit pero binaba ko lang iyon. Bahala siya riyan. Kailangan kong ipakita sa kaniya na naiinis ako sa kaniya para hindi niya ako tanungin ulit tungkol kay Reisha. Baka madulas pa ako e. Magaling manghuli si Kuya Carlo. Kilala niya rin ako lalo na kapag nagsisinungaling. Kung video call ang ginawa niya, nasisiguro kong malalaman niyang nagsisinungaling ako.

Inayos ko ang buhok ko bago lumabas ng guest room ni Rainier. Antok na antok ako kanina kaya nakitulog ako sa kaniya. Hinihintay ko rin kasi ang pinagyayabang niyang Lasagna.

"Hindi niyo sinabi sa akin, Mama. Kung hindi ko pa nalaman, wala kayong balak sabihin sa akin na wala pala siya riyan!" Galit na boses ni Rainier ang bumungad sa akin.

Hinilot niya ang sentido niya habang naglalakad nang pabalik-balik. Nasa tainga niya ang cellphone niya at halatang galit na galit sa kausap.

"Kampante ako rito sa Italy kasi ang sabi niyo maayos siya riyan. Ang sabi niyo nasa Manila, nag-aaral tapos ngayon malalaman ko na wala pala siya riyan?"

Tumahimik siya at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Nanatili lang akong nakatayo sa gilid at pinapanood siya. Alam ko namang masama ang mag-eavesdrop pero hindi ko maiwasan dahil ngayon ko lang nakita na ganito si Rainier. Galit na galit siya at halatang pikon na pikon sa kausap.

"See? So, wala nga kayong balak na ipaalam sa akin. Bahala kayo ni Papa sa trabaho. Hahanapin ko ang kapati— I don't care, Ma. Ang sarap-sarap ng buhay ko rito. Hindi ko alam na tinakwil pala ng sarili naming magulang ang kapatid ko!" Mariin niyang sabi.

"Of course, Ma. Oo, damay ka. What do you mean si Papa lang ang may kasalanan? Why? Hindi mo kayang ipagtanggol ang unica hija mo kay Papa?" Tila pikon na sabi ni Rainier. "I will never forgive you and Papa if something bad happened to my sister," binaba niya ang tawag matapos no'n.

Nilingon niya ako nang matapos siya sa tawag. "Sorry," pagod niyang sabi.

Ngumiti ako. "It's okay lahat tayo ay may family issues," sagot ko saka lumapit sa kaniya.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now