Kabanata 18

6 0 0
                                    

Paper bag.

I didn't expect that the innocent feeling for him back when I was young will be the reason of me being this mess. I didn't know that everything from the pass will be the reason of all these pain that I'm feeling right now.

Kung alam ko lang...

For the mean time, I thought my phone number will just be displayed on Alexander's mobile phone. But, I was wrong. Matapos kong mahiga, tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe.

Unknown number:

This is Alexander. I just got home. Did you already eat your dinner?

Impit akong napatili sa nabasa ko. Binalingan ko pa si Gabriella na natutulog na at si Tita Ayla na nakahiga na sa sofa. Natutop ko ang labi ko bago nagsimulang magtipa ng reply para sa kaniya.

Ako:

Yeps. Tita Ayla bought some food from home.

Kumain kami ng dinner pagdating ni Tita Ayla dahil nagdala siya ng makakain galing sa bahay. She also bought some of our clothes. All I thought that's the end of our conversation for tonight pero nadagdagan pa iyon nang magreply siya.

Unknown number:

That's good. You should sleep now. Mahaba ang araw mo kanina at alam kong pagod ka.

Sinunod ko ang sinabi niya. After saving his number, natulog ako sa extrang mattress na ibinigay kanina ng nurse sa amin. Nagising ako sa mahinang boses na nag-uusap and for the mean time, nakalimutan kong nasa hospital ako.

"Ma, hindi na dapat tayo nagtagal dito. Sayang lang ang pera. Bukod sa bukol sa noo ko, wala naman na akong sugat," boses iyon ni Gabriella.

"Si Tita Anna mo ang nagpumilit, Gab, alam mo naman ang isang iyon. Parang si Cha na gustong makasigurong ligtas ka," si Tita Ayla.

"Walang lasa kasi ang pagkain dito, Ma."

"Uuwi ako sa mansyon paggising ni Charlynn at paglulutuan ko kayo," nagising ang katawan ko sa sinabi ni Tita Ayla.

"Gising na po ako, Tita," sabi ko habang nananatiling nakahiga at nakapikit.

Naramdaman ko ang tingin sa akin ng mag-ina kaya dumilat na ako. Napapikit pa ako ulit dahil sa liwanag na bumungad sa akin. Bumangon tuloy ako habang nakapikit.

"Ako na ang mag-aayos niyan, Cha," ani Tita Ayla nang simulan kong tupiin ang comforter.

"Ako na po, Tita. Madaling gawain lang naman po ito," I answered.

Matapos kong ayusin ang pinaghigaan ko, naupo ako sa sofa na tinulugan ni Tita Ayla. Nagpaalam siya sa amin matapos niyang maghilamos para magluto sa bahay.

"May gusto ka bang kainin habang wala si Tita Ayla?" Tanong ko kay Gabriella na busy manood sa naka-install na television sa kwarto namin.

Bumaling siya sa akin at kinunot ang kaniyang noo. "Hindi mo sinabi kung sino ang kumatok dito kagabi."

Natutop ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Wala iyon. May inutos lang ako sa isang trabahador sa farm."

Pinaningkitan pa ako ng mata ni Gabriella at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Umismid lang ako sa kaniya bago hablutin ang cellphone ko sa gilid ng maliit na lamesa.

Alexander:

Good morning. Did you already eat your breakfast? May niluto si Mama na sopas dito. Kung gusto mo, dadalhan ko kayo ni Gabriella.

Kumalam ang sikmura ko sa sinabing iyon ni Alexander. Maaga pa at pero nagtext agad siya ng gano'n. Magandang bungad iyon sa aking umaga. Pakiramdam ko tuloy, naglevel up ang relasyon namin mula nang maghalikan kami sa clinic.

Can You See My Heart? (Pontevedra Series #4)Where stories live. Discover now